20K pasaway sa quarantine rules sa NCR bubble ‘hinuli’

UMABOT sa mahigit sa 20,000 katao ang “hinuli”, binalaan at pinagmulta dahil sa pagsuway sa ipinatutupad na enhanced community quarantine guidelines sa Metro Manila at lalawigan na nakapalibot dito.

Ayon sa rekord ng pulisya, 5,781 ang “dinakip” dahil sa paglabag sa curfew hours sa Metro Manila habang 14,775 ang lumabag sa health protocols at Republic Act 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases, mula nang pasimulan ang ECQ nitong Agosto 6.

Ang Metro Manila na nasa ilalim ng ECQ, ang nakapagtala ng pinakamaraming violators sa curfew na may 4,394 na sinusundan namang ng Cavite na nasa ilalim naman ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na may 540 kaso.

Nakapagtala namana ang Laguna na nasa ECQ rin ng 471 violators, na sinundan ng Rizal na nasa MECQ ng 370. Ang Bulacan na nasa GCQ ay may anim na violation.