MARAMI ang nagulat sa maagang pagpanaw ni 2019 Miss USA Cheslie Kryst.
Namatay ang 30-anyos na beauty queen at abogado matapos itong tumalon mula sa ika-29 palapag ng Orion Condominium sa New York City nitong Linggo, Enero 30.
Walang tinutukoy na dahilan kung bakit nagpasyang wakasan ni Kryst ang kanyang buhay.
Kasama si Kryst ni Marian Rivera na nag-judge recently sa 70th edition ng Miss Universe.
Ayon sa ulat, nagbigay ng habilin ang beauty queen sa ina tungkol sa kanyang mga naiwan, ngunit hindi tinukoy kung bakit siya nagpatiwakal.
Matapos lumabas ang balita, una na sa mga nakidalamhati si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga naulila ni Cheslie. Matatandang naging housemate ni Cheslie si Catriona noong 2019 sa New York Apartment.
“I can’t believe the news. Rest in peace angel. The world will miss your light.
Mensahe naman ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, “So sorry, Cheslie.. you were so kind. Thank you. You’re an inspiration and loved by so many. Rest in peace, Cheslie.”
Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Miss Universe at Miss USA Organizations tungkol sa malungkot na balita.
“The Miss Universe and Miss USA Organizations are devastated to learn about the loss of Miss USA 2019 Cheslie Kryst.
“She was one of the brightest, warmest, and most kind people we have ever had the privilege of knowing, and she lit up every room she entered.
“Our entire community mourns her loss, and our thoughts and prayers are with her family during this difficult time.
“If you are struggling with suicidal thoughts or are experiencing a mental health crisis, please seek help by calling the National Suicide Prevention hotline at 1 800-273-8255 or go to SuicidePreventionLifeLine.org.”