Nanghihinayang ang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) sa naging desisyon ng pamahalaan na ialagay sa mas maluwag na quarantine status ang National Capital Region at apat na probinsiya.
Ayon dito, sayang lang ang ipinatupad na dalawang linggong ECQ dahil sa pagmamadaling ma-lift.
“We re-emphasize that this mobility restriction is but a short-term intervention and yet it seems to have been wasted again,” pahayag ng grupo.
Binanatan din ng grupo ang kawalan ng malinaw na plano ang gobyerno para tugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.
“The government still has no clear plans and efforts to fix the root causes, and the nation continues to suffer because of this,” dagdag pa nito.
Bagamat sinasabing napabagal ng dalawang linggong ECQ ang pagkalat ng COVID-19, sinabi ng HPAAC nanatiling “perilously high” ang bilang ng mga kaso ng virus.
Nanindigan naman ang Department of Health na hindi nauwi sa kawalan ang naging desisyon ng pamahalaan na i-lift ang ECQ.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na makikita ang epekto ng dalawang linggong ECQ sa susunod pang mga linggo.
“I will have to disagree with HPAAC in saying it has gone to waste because we have implemented measures. Their other recommendations, we are still working on them,” ayon kay Vergerie.