BUMUHOS ang mga deboto sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, mas kilala bilang Baclaran Church, ngayong Miyerkules, dalawang araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine.
Naging mahaba ang pila sa labas ng simbahan dahil sa dami ng gustong makapasok at magdasal.
Madaling araw kanina ay sumugod na ang mga deboto para makaiwas sa buhos ng mga gustong manalangin at magsindi ng kandila.
Pinalabas naman ang mga deboto bago ang mga misa.
Sa kasalukuyang umiiral na general community quarantine “subject to heightened and additional restrictions,” ipinagbabawal ang pakikinig ng misa sa loob ng simbahan upang mapigilan ang mas nakahahawang Covid Delta variant.
Kapag ipinatupad ang ECQ simula Biyernes, kahit pagpunta sa simbahan ay ipagbabawal na rin. –A. Mae Rodriguez