MAHIGIT sa 15.8 milyong mga Filipino ang fully vaccinated na, ayon mismo kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ngayong Huwebes.
Sa isinagawang pagdinig sa Kamara, sinabi ni Galvez na may 37,176,513 doses ng COVID-19 vaccines ang naadminister sa publiko at umabot na sa 15,837,799 ang nakabuo ng kanilang bakuna.
Ayon pa kay Galvez, may 15.6 milyon doses ang nakatakdang iadminister at kasalukuyang nasa mga bodega sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Iniyabang din ni Galvez na hindi naman nagpapahuli ang bansa sa vaccination program nito.
“Some people said that we are very slow on the vaccination program but if you look at the rankings that we have, out of 204 countries globally, we are the 21st,” dagdag ni Galvez.