Sara Duterte: No more presidential bid

HINDI na tatakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte sa darating na halalan.

Ito ang naging pahayag mismo ng alkalde isang araw matapos pormal na tanggapin ni Pangulong Duterte ang nominasyon na maging vice presidential bet ng kanilang partidong PDP-Laban.

Ayon kay Sara, napagkasunduan nila na isa lang sa kanilang pamilya ang tatakbo sa national post sa darating na halalan.

“I am not running for a national position as we both agreed only one of us will run for a national position in 2022,” pahayag ni Duterte sa mga mamamahayag Huwebes.

Hindi naman tinukoy ng alkalde kung susuportahan ng kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago ang mga kandidato ng PDP-Laban.

“No. I will not share my light this time.”

Tiniyak rin ni Sara na ang relasyon niya sa ama ay gaya pa rin ng dati.

“Our politics do not interfere with our familial relationship. Iba ang trabaho, iba ang pamilya. Walang personalan,” dagdag pa nito.