INAASAHANG 14 milyong vaccine ang darating sa second quarter ng taon, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.
Sa ulat ni Galvez kay Pangulong Duterte, sinabi nito na aabot sa 1.5 milyong doses ng Sinovac ang dadagsa sa bansa bago matapos ang Abril, kabilang dito ang 500,000 doses na idedeliber sa Abril 22, at 500,000 doses sa Abril 29.
Samantala, inaasahang darating din ngayong linggo ang 20,000 doses ng Russian-made Sputnik V.
Inaaaahang darating din ang 480,000 dosesng Sputnik V bago matapos ang Abril.
Ayon kay Galvez, maaari na ring dumating ang 195,000 doses ng Pfizer vaccine bago matapos ang buwan o sa unang bahagi ng Mayo matapos naman ang mabalam nito.
Kabilang sa inaasahang dumating sa bansa ang 194,000 Moderna doses; pito hanggang walong milyong doses ng vaccine sa Hunyo.