10K kaso ng COVID-19 kada araw posible na naman – Octa Research

NANGANGAMBA ang Octa Research fellow na si Guido David na posibleng pumalo na naman sa 10,000 kaso ng COVID-19 ang maitala kada araw kung hindi magpapatupad nang mas istriktong community restriction ngayon na kumpirmadong may local transmission na ng Delta variant.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni David na posibleng mangyari ang pangambang ito sa mga susunod na linggo kung magpapatumpik-tumpik ang pamahalaan sa gagawing hakbang nito.

Ayon pa rito, habang nasa early stage pa lamang ang sitwasyon na dala ng Delta variant, dapat samantalahin ito ng pamahalaan para maglagay ng mga mas mabibigat na alituntunin para maiiwas ang bansa sa panibagong surge.

“It’s not set in stone we hit 10,000. If we make actions, we can still prevent this, especially that we’re still in this early stages,” pahayag ni David.