Bawal birit: Morisette kakanta ng National Anthem sa SONA

ANG singer na si Morisette Amon ang napiling kumanta ng Pambansang Awit sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo 26.


Live na kakantahin ni Morissette ang tradisyunal na rendisyon ng “Lupang Hinirang” kaya hindi siya bibirit.


Napag-alaman na tutugtugin muli ng Philippine Philharmonic Orchestra ang mga paboritong kanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa okasyon. –A. Mae Rodriguez