SA Metro Manila ikakalat ang 100,00 doses ng Sinovac na bahagi ng 500,000 doses na dumating sa bansa nitong Huwebes, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.
Sa isang briefing, idinagdag ni Galvez na inaaaahang maipapamahagi agad ang 500,000 doses ng Sinovac.
“Karamihan dito more or less 100,000 po mapupunta sa Metro Manila. Matatapos po ito within two to three days ang deployment at inaasahan po natin na iyong administration nito is within one week matatapos po kaagad,” dagdag ni Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na inaasahan ang epekto ng vaccination program ng gobyerno sa Oktubre o Nobyembre.
“Ang nakikita natin kapag once nabakunahan natin majority ng mga affected na tinatawag nating highly urbanized cities like Metro Manila, kapag nakuha natin iyan nakikita natin na siguro by October or November nakikita natin iyong epekto niya talaga, na talagang bababa talaga iyong kaso niya,” ayon pa kay Galvez.