Criminology student tiklo sa shabu

HIMAS-REHAS ang criminology student na nakuhanan umano ng shabu ng mga pulis sa Kabacan, North Cotabato.


Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA-Region 12 ang bahay ng suspek sa Brgy. Aringay noong Huwebes ng umaga at nakuha sa kanya ang P68,000 halaga ng droga.


Isinagawa ang operasyon laban sa suspek, isang graduating student ng BS Criminology, dahil sa reklamo ng mga kapitbahay.


Napag-alaman din na maliban sa cash, tumatanggap ang suspek ng motor bilang bayad sa drogang ibinebenta niya.