IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na 10 porsyento lamang ang papayagan sa mga religious activities, partikular sa mga simbahan sa ilalim ng heightened general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni Presidential Presidential Spokesperson Harry Roque na ginawa ito sa harap ng patuloy na banta ng mga variant ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.
“Nang huling nagpulong po ang IATF, ang desisyon ay heigthened GCQ, ito po ang pagkakaiba ng heightened GCQ sa ordinary GCQ, 30 percent pupwede, pero sa heightened GCQ, ito po’y alinsunod sa polisiya na unti-unti nating buksan ang ating ekonomiya, dahil hindi tayo sigurado kung gaano na ang extent ng prevalence ng mga bagong variants, kayat minabuti nating hanggang 10 percent muna po ang ating religious gathering,” ayon kay Roque.
Ito’y sa harap naman ng pag-alma ng ilang taga-simbahan sa limitadong kapasidad sa mga nagsisimba.
“Wag po kayong mag –alala, ito po’y panandalian lamang, ito po’y intermediate between our transition from MECQ to GCQ, so unti-unting pagbubukas lang po,” dagdag ni Roque.