ALAM ba ninyo na isa sa tatlong tao na nakaligtas sa Covid ay nakararanas ng problema sa pag-iisip ilang buwan matapos madale ng sakit.
Ito ay base sa pag-aaral na na-publish sa The Lancet Psychiatry journal, na nagsasabi na malaki ang posibilidad na ang tinamaan ng coronavirus disease ay magkaroon ng problema sa pag-iisip.
Ang pag-aaral ay ibinase umano sa 230,000 pasyente na nakarekober mula sa virus. At mula sa nasabing figure, 34 porsyento sa kanila ay na-diagnosed na may neurological or psychiatric condition sa loob ng anim na buwan.
Karamihan sa kanila ay nagakroon ng anxiety (17 porsyent) at mood disorder (14 porsyento). At 13 porsyento sa mga ito ay walang mga dating isyu patungkol sa kanilang mental health.