NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ang Probinsyano partylist Rep. Alfred de los Santos.
Dahil dito nanawagan si delos Santos na dapat talagang higpitan ang pagpapatupad ng health protocols lalo ngayon na walang humpay ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
“I think it’s time to be strict again in the implementation of health protocols. It seems like people are already having compliance fatigue so the health protocols are sometimes ignored,” ayon sa opisyal sa isang kalatas.
Hinikayat din nito ang mga lokal na pamahalaan sa Bicol na magpatupad ng mas pinaigting na health protocol at isaayos pa ang pagmomonitor sa mga kaso ng Covid.
Naka self-isolate ngayon ang kongresista at mayroon mild symptoms.
Nitong Linggo, nagpositibo rin sa virus si Caloocan City Rep. Edgar Erice.