Marami ang nag-react sa panibagong statement na inilabas ng Employees Compensation Commission (ECC) na nagsasabing work from home work-related injuries lang ang compensable at hindi yung disease caused by fatigue and stress caused by work from home workload.
Oo nga naman. Bakit work from home work-related injuries lang ang compensable which are very rare to happen and not work from home diseases which happen most of the time.
Ang kailangan ngayon ng mga manggagawa na may-ari ng pondo at miyembro ng Social Security System, Government Service Insurance System at ECC na naka work from home ay protection laban sa mga sakit na dulot ng stress, burnout, fatigue bunsod ng bigger workload passed on to workers working from home.
Ibig kong sabihin, there are many workers who acquire diseases because many of them work 10 to 12 hours more without overtime pay compared to those workers who report to office to work and leaves the workplace after the 8 working hours.
Maraming pagkakataon din na ang mga naka work from home ay inuutusan na maghatid ng mga dokumento at umatend ng mga face to face meeting sa labas ng bahay subalit nahawa sa COVID sa kanyang pagbiyahe, paano yun?
Kung work from home injuries lang ang compensable sa ECC at hindi ang work from disease, disconnected ang ECC sa mga higit na pangangailangan ng mga miyembro nito.
Kung kinakailangan ng protection ng mga manggagawa ang compensation for work from home injuries, mas higit na kailangan ng mga miyembro ang protection at compensation mula sa mga work from home diseases.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]