Disclaimer:
Wala akong ilusyon na masosolusyunan ito sa panahon na nagbalik ang mga magnanakaw at sinungaling sa Palasyo.
Nagpipyesta na naman sa social media: Nagbabala kasi nitong Martes, July 12, ang poultry raisers na posibleng umabot sa P15 ang presyo ng isang itlog.
https://youtu.be/ZQ6p596MpIg
E, nito lang July 9, ibinalita pa na umabot na P8 ang kada isang itlog.
https://m.facebook.com/gmanews/videos/presyo-ng-itlog-tumaas-24-oras-weekend/609622483755490/
Sabi nga sa meme ng isang netizen, aabutan o lalampasan na ng presyo ng itlog ang pangakong P20 pagbaba sa presyo ng bigas.
Importante raw kay Marcos Jr. ang food security na sinabj niya sa press conference matapos ang una niyang Cabinet meeting noong July 5.
https://www.da.gov.ph/pres-marcos-jr-puts-premium-in-phl-food-security/
Tama naman na tutukan ang food security – lalo na’t galit sa pagkain ang mga Pinoy – fud is lyf.
Tulad ng sinabi ko sa nagdaang mga column, mahalagang makinig sa boses ng mga taong apektdo tulad ng magsasaka at mamimili.
Giit ng mga magbubukid, first things first – para magkaron ng food security, kailangan itigil ang land conversion para matiyak na malawak ang mga lupain para sa pananim.
Ito’y lalo na’t inilabas ng United Nations nitong Lunes, July 11, ang kanilang projection na mako-concentrate ang population growth sa walong bansa kasama na ang Pilipinas.
https://news.un.org/en/story/2022/07/1122272
Given na may mga lupain pa para sa food crop, saka lang matututukan ang food production.
Sa bandang huli, para naman makakain, kailangan may pambili at abot-kaya ang presyo ng bigas, karne, gulay, isda, asukal, etc., para busog-lusog.
Kapag na-deliver lahat yan – mula sa land for food hanggang sa food for mouth, nakaiskor na ang gobyerno sa social justice pagdating sa isa sa basic human needs – ang makakain.
Sa unang pulong niya sa Department of Agriculture nung July 4, food security at high cost of food ang pinakamatinding problema na gusto nyang lutasin bilang acting secretary.
https://www.rappler.com/nation/ferdinand-marcos-jr-first-orders-agriculture-secretary-food-costs-pose-biggest-challenge/
Kung paano nya ito lulutasin, abangan ang susunod na kabanata- basta sigurado ako, hindi sa pagpapababa ng bigas sa P20 kada kilo, lol!
Sabi ng UN, ang social justice ay ang pananaw na ang lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan at oportunidad sa kabuhayan at lipunan.
https://www.sdfoundation.org/news-events/sdf-news/what-is-social-justice/
Ibig sabihin ang social justice ay nagtataguyod ng sense of fairness sa healthcare, employment, housing at edukasyon.
Kaya pag may diskriminasyon sa trabaho, edukasyon, serbisyo sa kalusugan at paninirahan, walang social justice.
Marami at matindi ang mga hamon kay Marcos Jr para umangat sa kahirapan ang mga Pilipino. Ewan ko kung paano niya gagawin ito.
Inireport ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Huwebes, July 7, mula 5.7% nung April, bahagyang nadagdagan ang mga walang trabaho nitong May sa 6% o 2.93 million.
https://www.rappler.com/business/charts-philippines-unemployment-rate-may-2022/
Sa first quarter ngayong taon, lumabas sa survey ng Social Weather Stations na mula sa 11.8% nung December 2021, dumami sa 12.2% o 3.1 million ang nakaranas ng gutom dahil walang makain.
http://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20220606102327
Ibig sabihin nadagdagan ang nagugutom dahil dumami ang jobless habang tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nagsimula ang 2022 sa 3% inflation nung January. May basa pa nga ang NEDA na bababa pa ito.
https://neda.gov.ph/wp-content/uploads/2022/03/Report-on-Inflation-January_2022.pdf
Pero tumaas pa ito sa 3.6% sumunod na buwan ng February.
https://neda.gov.ph/wp-content/uploads/2022/03/Report-on-Inflation-February-2022.pdf
Bumilis pa lalo sa 4.6% ang pagtaas ng presyo ng bilihin pag-apak ng March.
https://neda.gov.ph/wp-content/uploads/2022/04/Report-on-Inflation-March-2022.pdf
Kaya’t hindi na dapat magtaka si Marcos Jr kung bakit bumilis pa lalo ito sa 6.1% pagdating ng June.
Maraming factors dito pangunahin na ang pagsirit ng oil prices nang higit P100 kada litro ng diesel sabayan pa ng pagbagsak ng halaga ng piso na umabot na sa 56 .37 palitan sa dolyar nitong Martes, July 12.
https://business.inquirer.net/352779/ph-peso-slides-further-at-56-37-against-us-dollar/amp
Marami nang pinu-push na diskarte para ma-afford ng mahihirap na manggagawa at magsasaka ang mataas na presyo ng bilihin lalo na ang pagkain atbp.
Ilan dyan ang pagsuspindi ng rice tarrification at excise tax sa produktong petrolyo.
Syempre nirerendahan si Marcos Jr ng economic managers isa na riyan si Finance Secretary Ben Diokno.
Si Diokno ay nagsilbi bilang undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM) ng pumanaw na si Pangulong Cory Aquino, DBM Secretary ni Erap Estrada at ni Rodrigo Duterte at ginawa ring Central Bank governor bago kunin ni Marcos Jr bilang Finance secretary.
Pero mula noon hanggang ngayon, naghihirap pa rin ang mga Pilipino, habang sa dalawang magkasunod na taon, si Diokno ang highest paid public official.
Ayon sa COA 2021 Report on Salaries and Allowances (Rosa), kumubra si Diokno ng P41.811 million sa sahod at allowances.
Doble yan sa P19.791 million na kinita niya nung 2020 kung kelan highest paid goverment official din siya.
https://newsinfo.inquirer.net/1613657/diokno-is-highest-paid-in-govt/amp
Dahil wala pang pirmi at konkretong latag ng mga solusyon ang bagong upong liderato, nganga tayo hanggang kung kelan lalo’t nag-iwan siya ng record-breaking na higit P 12 trillion utang.
https://business.inquirer.net/347202/weeks-before-duterte-gone-ph-debt-hits-new-high-in-march-p12-68-trillion/amp
Ayon sa non-profit economic research institution, Ibon Foundation, mula P20M nung 1898, inabot ng 118 years bago umakyat sa P6.1 trillion ang utang ng Pilipinas.
Walang panama yan sa rehimen ni Duterte – kung saan inabot lang ng anim na taon para tumalon sa P13.42 trillion ngayong 2022 ang pasaning utang ng Pilipinas.
Ang nakakatakot nyan, wala pang isang buwan sa pwesto, aabot na sa kabuuang $2.14 billion ang inuutang ni Marcos Jr sa World Bank.
https://business.inquirer.net/352318/ph-seeks-2-14-b-world-bank-loans-under-new-admin/amp
Saang kangkungan kaya pupulutin ang Pilipinas nyan?
Asa pa ba na magkakaron ng katarungang panlipunan kung mamamatay ka na sa utang pa lang ng Pilipinas?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]