Wish List 1: Murang bilihin

NAG-IIPON ako ng mga wish list ng mga tao na gusto nilang tutukan ng gobyerno.

Nangunguna rito ang pagbaba ng presyo ng langis, kuryente at pangunahing bilihin.

Kabibili ko lang kanina ng LPG sa presyong P860, tumawad pa ako mula sa original price na P895.

Nagbayad din ako ng kuryente na pinangutang ko pa dahil jobless pa rin.

(Kasama ako sa nawalan ng trabaho noong August 2021 pagkatapos ipa-shutdown ni dating Presidente Rodrigo Duterte ang ABS-CBN noong May 5, 2020 at opisyal na pinasara sa botohan ng Kongreso noong July 10, 2020.)

Ang nakakatakot nga ay nagdesisyon na ang Supreme Court na pinayagan ang dagdag singil sa kuryente na hiniling ng Meralco noon pang 2013. Ni-release ang decision nitong Monday, July 4.

Read: https://www.cnnphilippines.com/news/2022/7/5/SC-upholds-ERC-order-Meralco-staggered-power-rate-hike.html

Ito’y kahit malinaw na monopolyo nito ang distribution mula nang ipatupad ang Republic Act 9136, Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) nung 2001.

Kaya asahan ang mas dagdag na pahirap sa consumer.

Higit sa lahat, bigo ang EPIRA na mapababa ang singil sa kuryente na siyang layunin ng batas.

Karereport lang ng Philippine Statistics Authority (PSA), na umakyat sa 6.1 ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Read: https://psa.gov.ph/statistics/survey/price/summary-inflation-report-consumer-price-index-2018100-june-2022

Ito na ang pinakamataas na inflation rate simula noong October 2018 na umabot sa 6.9%.

Sa computation ng PSA, 4.4% ang tinakbo ng inflation sa first half of the year.

Food at transport costs ang dalawang nagtulak ng mataas na inflation.

Mula 4.9% June 2021, pumalo sa 6% ang inflation sa pagkain nitong May 2022.

Mas matindi ang itinaas sa transportasyon na 14.9% noong June 2021, umakyat ito sa 17.1% ngayong taon.

Read: https://www.bworldonline.com/breaking-news/2022/07/05/459292/june-inflation-soars-to-6-1/?amp

Pero kinontra at hindi ito pinaniwalaan ni Marcos Jr. sa kanyang news conference.

Katuwiran ni Marcos Jr., ang inflation ay hindi natin kontrolado.

Sabi pa niya, “our monetary policy is essentially to use the interest rate to hold, to control the inflation rate. We’re not looking to specifically at exchange rates now”.

Ibig sabihin malulutas ng pamamahala sa kaperahan ang inflation.

Ang inflation din ay imported.

Read: https://www.philstar.com/business/2022/07/05/2193260/we-are-not-high-marcos-disagrees-psas-inflation-report/amp/

Ang problema, hindi naman nya malinaw na ipinaliwanag kung bakit ito “beyond our control,” at paanong malulutas ng monetary policy ang inflation at paanong naging imported ang inflation.

Nanindigan ang PSA sa kanilang inflation figures.

Partida pa yan dahil simula ngayong July, ang base year ng inflation ay 2018 na dati ay 2012.

Ugly fact:

Sa panahon ng tatay na diktador, alam n’yo bang ang peak annual inflation rate na 49.8% noong 1984 ay dulot ng pangungutang at crony capitalism?

Read: https://www.rappler.com/newsbreak/213604-things-to-know-philippine-inflation-over-the-years/

Read: [ANALYSIS] Golden age? Inflation reached 50% during the Marcos regime)

Ang pangangatuwiran ni Marcos ang dahilan para kontrahin siya ni Leonardo Lanzona, economist mula Ateneo De Manila University.

Ang tingin ni Lanzona, pinalalabas ni Marcos na ang patakaran sa pera ay sapat para makontrol ang inflation.

Katuwiran ni Lanzona, may limitasyon ang Bangko Sentral sa pamamahala ng inflation kaya dapat tumulong ang gobyerno para mapababa ang mga presyo ng bilihin.

Paliwanag pa ni Lanzana, supply o ang dahilan ng inflation na nire-recognize ni Marcos Jr.

Kung gustong kontrolin ang inflation sa pamamagitan ng monetary policy, giit ni Lanzana dapat taasan ng BSP ang interest rates.

Sa pagsusuma ni Lanzana, lumalabas na hindi alam ni Marcos Jr ang takbo sa kalakalang pandaigdigan dahil hindi lang pera ang factor sa inflation.

Read: https://www.philstar.com/business/2022/07/05/2193260/we-are-not-high-marcos-disagrees-psas-inflation-report/amp/

‘Yan din mismo ang pananaw ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa.

Sa kanyang FB post ngayong July 6, pinuna ni Africa ang paggamit ni Marcos Jr ng economic terminologies, magkunwaring may alam sa interest at exchange rates pero wala namang saysay ang sinabi.

Quote ko lang:

“Bongbong Bolero Marcos.

“Disagreed with PSA’s latest 6.1% inflation estimate but didn’t give any reason why.

“Threw in some economic terminologies, pretended to make an argument about interest and exchange rates, but was rambling — confused and didn’t really say anything consequential.

“Or, to be nicer, was inarticulate. Like an unprepared college student asked what he thought about some textbook econ concepts.

“Maybe how his administration will deal with bad news — cavalierly dismiss them (even if they’re from credible sources) or obfuscate them with gobbledygook?”

https://www.facebook.com/1646937043/posts/pfbid02pobncs61T16TnZeKn3MCs4AFdfbUeJr9Ld5QkYkaJdf1dkaFxH4uLyD73R53W6YSl/?d=n

Hirit naman ni Nicholas Antonio Mapa, senior economist ng ING Bank sa Manila, kailangang bantayan ang mahinang piso laban sa dolyar.

“BSP main policy tool is not the policy rate and it does not target an exchange rate level. However, a weaker PHP may have fanned additional price pressures via imported inflation,” paliwanag ni Mapa.

Ibig sabihin, ang mahinang palitan ng piso sa dolyar ay nagpapataas din ng presyo dahil maraming piso na ang kailangang ipalit sa dolyar sa pagbili ng mga produkto tulad ng petrolyo.

In short, hindi alam ni Marcos Jr. ang sinasabi niya tungkol sa inflation.

Isang patunay yan na walang buong economic program si Marcos.

Ang meron lang ay general o motherhood statements tulad ng “inflation is beyond our control,” at “inflation is imported”.

Walang ginawang pag-aaral, pagsusuri at pagbalangkas ng mga solusyon sa problema ng inflation si Marcos Jr.

Dahil kung meron man, masasagot niya ng konkreto o lapat sa lupa paano mapapababa ang inflation.

Kaya ayaw niya humarap sa mga presidential debate. Sabaw.

Pero hindi dapat mag-aalala si Marcos Jr. Uunawain naman siya ng 31 milyon kahit kathang-isip lang sila. May economic managers din siya.

Hindi naman agad magrerebolusyon ang mga tao dahil lang sa inflation.

Ang sunud-sunod na pambobola, paasa sa tao at kahirapan ang ilang bagay na magpapagalit sa kanila para lumabas ng kalsada at mag-ingay.

Honesty pa rin ang best policy sabayan ng pagiging bukas na matuto sa maraming bagay kasama na ang makinig sa boses ng mga apektadong tao.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]