Walang will and testament, pamana ng ama kanino mapupunta?

(Editor’s note: Binubuksan ng Pinoy Publiko ang panibagong pitak na ito para mapagtibay ang kaalaman ng nakararami tungkol sa batas. Sa pitak na ito ay maaari kayong magtanong hinggil sa mga isyung may kinalaman sa batas o may solusyong legal.)

MAAARING may mga pagkakataon na hindi natin naiintindihan ang batas at ito ang nagiging dahilan upang tayo ay matakot o magkamali. Upang masagot ang inyong mga katanungan at mabigyang-linaw ang inyong mga pagdududa, ating inilunsad ang Lex Sanguinis.

Maaari kayong magpadala ng inyong liham sa [email protected] o kaya ay i-message kami sa Facebook @PinoyPubliko, at atin itong susubukang sagutin at saka ilalathala.

Hango ang pangalang “Lex Sanguinis” sa buklod ng mga abogado at mga nag-aaral ng abogasya mula sa Norte. Sa Latin, ang ibig sabihin ng salitang Lex ay “law” o batas, at ang Sanguinis naman ay “blood” o dugo. Layon ng mga miyembro ng Lex Sanguinis na mapatibay ang ating kaalaman sa batas.


Dear Atty. Stella,

Ako po ay isa sa mga magmamana mula sa aking tatay. Siya ay namatay nang walang “last will” at ang kanyang iniwan na mga ari-arian ay nagkakahalaga ng P6 milyon. Nais po naming malaman kung paano ang hatian sa mana. Kami po ay tatlong magkakapatid na nakatira kasama ang aming 70-anyos na ina.

Reinalyn



Dear Reinalyn,

Kapag ang isang tao ay pumanaw na walang last will and testament, ang batas patungkol sa Legal or Intestate Succession na matatagpuan sa Article 960(1) ng New Civil Code (NCC) ang siyang masusunod.

In your case, apat ang tagapag-mana o “heir”ng iyong ama: Tatlong legitimate children at ang surviving spouse, ang iyong 70-anyos na ina.

Ayon sa batas, pabor ang order of succession sa mga lehitimong anak at legitimate ascendants, kasali na rin ang balo ng namayapa. All other relatives shall be excluded.

Patungkol naman sa “legitime” or the share of each heir, ang naiwang ari-arian na nagkakahalagang P6 milyon ay mahahati sa apat na pantay-pantay na parte. Base ito sa Article 980 at Article 996 ng NCC.

Samakatuwid, bawat isang heir ay maaaring magmana ng ari-arian na may halagang P1,500,000.

Atty. Stella


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]