PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration hours at days sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Sa anunsyo ng Comelec, ang voter registration sa ilang piling lugar ay magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi tuwing weekdays at hanggang alas-5 naman ng hapon tuwing Sabado (October 16 at 23).
Narito ang listahan ng mga iskedyul ng pagpaparehistro alas-8 hanggang alas-7 ng gabi at hanggang alas-5 ng hapon tuwing Sabado:
Metro Manila
Munisipalidad ng Alcala at San Quintin sa Pangasinan
Quezon province
Labo, Camarines Norte
Castilla, Sorsogon
Mga syudad ng Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu in Cebu province
Narito naman ang mga lugar na ang registration ay alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon araw-araw hanggang Sabado:
Bayan ng Aringay, Balaoan, at Caba sa La Union
Buong lalawigan ng Ilocos Sur
Municipalities ng Balatan, Bula, Cabusao, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Minalabac, Ragay, Sagñay, San Fernando, San Jose, Tigaon, at Tinambac in Camarines Sur
Mananatili naman sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon hanggang Oktubre 30 ang registration sa lahat ng iba pang natirang mga lugar sa bansa.