Villar TV

BINAKURAN na nga ba ng mga Villar ang chance ng ABS-CBN na makapag-renew ng franchise na ibinasura ng kongreso nung July 10, 2020?

Nitong January 6, 2022, inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ang temporary permit sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBSI) na pagmamay-ari ng mga Villar, para mag-test broadcast sa Channel 2.

Sa hiwalay na NTC Order, binigyan ng provisional authority ang AMBSI para naman sa digital TV broadcasting system gamit ang channel 16 na dati ring hawak ng ABS-CBN.

Pumutok lang ang balita nitong Martes, January 26.

Kinumpirma rin nitong Martes ng gabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na base sa kahilingan ng NTC, naglabas sila ng legal opinion na pwedeng ibigay ang nabakanteng frequencies sa sinumang applicant.

Maraming puntos para sabihing yes, selyado na ng Villar ang frequencies na hinahangad maibalik sa Kapamilya network.

Una, top scenario talaga sa post franchise rejection na maibibigay ang broadcast permit kahit kanino.

Pangalawa, kung walang available na broadcast frequencies na maa-assign ang NTC, hindi rin naman makapag-a-apply ng franchise ang isang broadcast network.

Ito ay sa pamamagitan ng bill granting franchise sa sinumang applicant na ipa-file sa kamara na siya lang may mandatong mag-aprub ng prangkisa.

Though kalakaran naman ng NTC na habang tinatrabaho ang franchise, pwedeng may provisional o temporary permit muna na ibigay sa isang istasyon.

Bagay na hindi ibinigay sa ABS-CBN dahil ayaw ng pikon at mapaghiganti na si Duterte.

Pangatlo, awash with cash ang 2021 Forbes’ Top 2 Philippine Billionaire na si dating Senador Manny Villar na may tumataginting na $7.3B. Paki-compute nyo na lang sa Philippine pesoses yan, bobo ako sa math, lol!

Pang-apat, well-entrenched ang pamilya Villar sa gobyerno. As in pulidong nakapusisyon sa gabinete at sa kongreso. Ibig sabihin, kayang kumorner ng big-time deals na gugustuhin nilang agawin.

Nasa senado ang asawang si Cynthia at kamara naman ang anak na si Las Piñas Rep. Camille.

DPWH Secretary si Mark at appointed Undescretary ng DoJ nung 2018 ang daughter-in-law na si Emmeline Aglipay.

Habang ang mag-amang Manny at Paolo ang lumalagare at nagpapayaman sa kanilang business empires sa real estate, mass housing, malls, home improvement chain, convenience store chain, etc.

Panlima, maraming malalaking transakyon ang Villar sa gobyerno at dambuhalang mga negosyo na kailangan nilang maprotektahan.

Aral si Villar sa kapangyarihan at impluwensya ng media at social media sa taxpayers at mga botante sa Pilipinas na ang kadalasang tumatatak sa pag-iisip ay perception kesa katotohanan. Pinalala pa ito ng massive misinformation at disinformation.

Connect the dots uli.

Panghuli. Timing at tinapat pa naman talaga ang pagbigay ng permit to broadcast sa Villar-owned AMBSI kung kelan bisi-bisihan ang lahat sa covid surge at elections.

Gintong pamana ba ini ni PDuts sa tapat na kaalyado bago siya makulong sa ICC? Lol!

Nakini-kinita na ba nina PDuts na matatalo sila May 2022 polls at mananalo si VP Leni Robredo?

Pag nanalo si Robredo, mabibigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN lalo na kung mas marami ang congresspersons na kakampink niya.

Hindi biro ang multi-billion broadcast equipment at facilities na mababawi lang unti-unti matapos ang pitong taon o higit pa.

Gagapang din sila sa pagbubuo ng mga programa at staffing kahit pa multi-billion dollar man si Manny at kayang mamakyaw ng mga kaluluwa.

Nakikini-kinita ko na business at entrepeneur-oriented ang dominant character ng istasyon pag nagkataon.

May mga nawalan ng trabaho sa media ang makukuha niya pero hindi sasapat yan dahil maliit lang ang media business at limited ang highly skilled at professional engineers, technicians, journalists at production people. Mamimirata talaga sila.

Pero may mga naiwang pattern at questions sa naging proseso hanggang ma-acquire ng AMBSI ang dalawang frequencies ng ABS-CBN.

Una, inamin ni PDuts nung sa October 2017 na malaki ang tulong na ibinigay ng mga Villar sa campaign niya.

Wala man sa official donors’ list, napansin ng Philippine Center for Investigative Journalism na isa sa top donors, Marcelino C. Mendoza, ay may koneksyon sa mga Villar.

Pangalawa, isa si Camille sa 70 congresspersons na nag-reject ng franchise renewal ng Kapamilya network. Take note yan mga Kapamilyang botante ha.

Pangatlo, Isa naman si Cynthia sa walong senador na hindi pumirma sa Senate Bill No. 1967 ni Senate Pres. Tito Sotto na bigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN.

Pang-apat, usec naman si daughter-in-law Emmeline sa DoJ. Tulad ng una kong binanggit – nagbigay ng favorable opinion ang DoJ sa NTC na pwede nilang ipamigay ang nabakanteng frequencies ng ABS-CBN.

Pero hindi ko sinabi na pumabor ang opinion sa Villar-owned AMBSI dahil usec sa DoJ si Villar daughter-in-law. Mga malisyoso kau, wag ganun, lol!

Panlima, sa report ng ABS-CBN, sa mahigit 50 legal opinions na ibinigay o tinanggihan ng DoJ nung 2021 na makikita sa website ng ahensya, walang mention ang DoJ na may kapangyarihan ang NTC na magbigay ng hindi nagagamit o available frequencies, sa ibang broadcast applicant.

Pang-anim, nito lang September 2021 nabili ng Planet Cable ng anak ni Manny na si Paolo Villar, ang AMBSI. Hmmm.

Ang Planet Cable ay nasa mga negosyong fiber to the home, internet at cable television services.

Dahil nandyan na yan, aasa ba kay Villar sa pamamahala ng media network?

Alam naman natin na si Villar ay kumandidatong presidente nung 2010 at kasama sa kanyang slate si Marcos Jr, kahit pa tinanggap din niya ang mga militanteng kandidato. Classic trapo talaga.

Pumabor siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang namatay na diktador Marcos.

Sa usapin ng press freedom, binatikos ni Villar ang pag-raid sa The Daily Tribune newspaper nung 2006 at pati na rin ang media killings. Naniniwala raw siya sa malayang pamamahayag.

Dapat daw independent at walang pinoprotektahang interes ang media. Di nga?

Isa rin si Villar sa 17 senador na nagpasa ng Freedom of Information Bill noong December, 2012.

Mapanghahawakan ba niya ang mga pusisyon nyang ito sa press freedom pag lumarga ang media nila? Hindi.

Trapo si Villar, swabe lumaro sa pulitika. Pumupustura.

Business magnate na naging bilyonaryo sa pagpapawis ng mga manggagawa. Swabe rin lumaro sa negosyo.

Ano ang pag-asa at oportunidad ng ABS-CBN na muling mamayagpag sa pagbabalita, pagpapasaya at paglilingkod sa madlang pipol?

Meron. Vast.

Una ay kung bibitiwan ni Villar ang temporary permit at provisional authority after 2023. Lol! (Weh)

Pangalawa ay kung magkaroon ng available slot. Lol! (Ano’ng petsa na)

Pangatlo, posibleng may legal issues sa pagbigay ng temporary permit to test broadcast na pwedeng kwestyunin. (Ipipilit ba)

Maalaala Mo Kaya – kinumpiska na ng diktador na si Marcos ang ABS-CBN nung martial law.

Seriously, ang pinakamalaking pag-asa ay nasa digital platform.

Nung Friday January 21, 2022, ibinida ng news and entertainment giant ABS-CBN Corporation na nakapag-raise ito ng P500 million sa investors para puruhan ang pagpapalakas ng digital media sa gitna ng maraming mabibigat na pagsubok.

Alam na this.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]