SUKANG-SUKA na ang mga botanteng hampaslupa sa mga kwentong barbero ng mga pumuporma for 2022 national elections.
Panay ang sakay ng mga ito sa mga sexy issues, batikos para makaiskor sa publicity at kanya-kanyang gimik gaya nang pakain ng lugaw makita lang ang logo o picture at may mai-post sa social media.
Pero sa puso at isip ng mamamayan, sila ay mga budol-budol at walang makahulugan na pakinabang sa pang araw-araw na buhay nila.
Sa kabila ng mga nagkukumpulan na mga bulok, tila may napupusuan ang mga ordinaryong mamamayan sa mga concrete and tangible accomplishments ng iilang kasalukuyang nanunungkulan sa bayan.
Impressed na impressed ang mga ordinaryong manggagawa sa performance at mga public works infrastructure accomplishments ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
Tahimik si Mark the Build, Build, Builder na sinisiguradong matapos ang mga strategic infrastructures ng bansa kasama ang may 4 milyon na mga manggagawa nito.
Mabango din si Manila Mayor Isko Moreno sa taumbayan. Araw-araw na nililinis at pinababango ang mga kalye at importanteng sulok ng Maynila. Puro activities ang mga post at panay ang ikot sa mga barangay ng lungsod.
Wholesome but conservative naman na lider itong si Pasig City Mayor Vico Sotto. Vico has destroyed the old and moribund partisan politics in Pasig by empowering the cityvhall employees and career civil servants of the city to make them effective local government unit public service providers for Pasiguenos.
Dahil sa mga tangible accomplishments ng mga ito, nagmukhang clowns ang mga aspirants at incumbent trapo na puro ngalngal wala namang tangible track record that benefitted the poor. Wais na ang mga botante!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]