Sa throwback March, nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa Pilipinas na mawawalan ito ng milyon-milyong doses ng anti-COVID vaccine donations kung hindi nito uunahin ang health workers at vulnerable sectors.
Paliwanag nga ng Global Alliance for Vaccines and Immunisation o Gavi sa CNN Philippines dati, kung may pagbabago sa planong prioritization sa bakuna na hindi makatuwiran at hindi ipinaalam, ituturing ito na misuse o maling paggamit.
Gets ba?
Meaning, pananagutin ang gobyerno at pababayaran ang libreng doses na ginamit nang mali.
Ang mga bansa kasi ay nag-submit ng Covid-19 National Deployment Vaccination Plan.
Kaso ang problema, hindi nagsasabi ng the whole truth and nothing but the truth ang mismong gobyerno sa takbo ng vaccine rollout.
Shock-and-awe ka na lang na may mga milagro nang ganap. Lol!
Nagpuslit ng ilegal na bakuna, inuna ang mga pulitiko at celebrity.
Hiyang-hiya naman tayo sa kanila. Binale-wala ang serbisyo publiko at pagtitiwala ng mga tao.
Nabisto na ang smuggling ng bakuna tapos inipit pa ang ibang detalye.
Nasaan ang transparency? Naman!
Kaya importante na nababantayan ng taumbayan ang dumarating na mga bakuna, saan ito dinala at kanino ito itinurok?
Sa inilabas na tracker ng Coalition for People’s Right to Health at Bantay Bakuna, pitong bakuna ang inaasahang nakalistang i-rollout ng bansa :
Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, Janssen, Moderna, and Novavax.
Anim ang nakakuha ng emergency use authorization (EUA) sa ating Food and Drug Administration maliban sa Novavax.
Lima naman ang nakakumpleto ng pagsusuri at challenge ng Health Technology Assessment Council o HTAC.
Dagdag pa ng Bantay Bakuna at CPRH, importanteng malaman ng publiko na Sinovac lang ang inirekomenda ng HTAC para sa lower-risk individuals edad 18-59.
Naninindigan ang dalawang grupo na sa interes ng kalusugan ng madlang Pinoy, ang mga bakuna lang na may mga datos at impormasyon na isinapubliko ang dapat bigyan ng EUA.
Nakikiisa ang kolum na ito sa pinu-push ng CPRH at Bantay Bakuna na ang anumang rollout plan ay dapat maka-tao, transparent at accountable.
Kuha mo?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]