UMAMIN na nga ang US na meron silang biological laboratories sa Ukraine.
Malaking pasabog na istorya yan nung isang linggo – pero ang pinalutang at ikinalat na anggulo ng Western press – ang pag-deny ng Amerika na may biological weapons sila sa Ukraine.
At para mapunta ang usapan sa Russia, binabaliktad nila ito at inaakusahan na siyang may bioweapons.
Malaking pasabog na istorya yan nung isang linggo – pero denial ng Amerika ang anggulong pinalutang ng Western press.
Hindi rin yan ibinalita rito sa Pilipinas.
Asa pa ba? Puro Western media ang nagsu-supply ng balita sa TV, radio at newspaper dito.
May Philippine media, kung magbalita ng nangyayari, walang side ng Russia o kung meron man– one or two sentences tungkol sa Russia pero wala pa ring context.
Meron pa nga nananawagan sa social media na ipagdasal ang mamamayan sa Ukraine with matching blue and yellow colors ng Ukraine flag ang motif.
As of nitong Sunday, March 13, may 636 civilians na ang namatay sa Ukraine ayon sa UN Human Rights office (OHCHR).
Helpful mag-research tayo sa iba-ibang legit news sources para malaman ang buong katotohanan hindi lang bilang local media, kundi bilang ordinary citizens din.
Noong 2014, sinalakay ng Ukraine kasama ang Pentagon-backed Neo-Nazi white supremacist na Azov regiment ang Donbass region at patuloy na binobomba sa mga sumunod na mga taon.
At ayon din sa UN, sa nagdaang walong taon, may 14,000 casualties ang idinulot ng pagbayo ng Ukraine sa Donbass region.
Ibinalita ba sa West sphere of dominance/ influence ang casualties na ito noon? Nega.
May kumondena ba? Wala.
May nagdasal ba sa mamamayan ng Donbass? Nada.
Nung March 8, sa hearing ng US Senate Foreign Relationa Committee, deretsahang tinanong ni Republican Senator Marco Rubio ang tumestigo na si US Undersecretary for Political Affairs Victoria Nuland, kung meron bang biological weapons ang Ukraine at kung pinopondohan ito ng US?
Kinumpirma ni Nuland na merong biological laboratories ang Amerika sa Ukraine.
“Ukraine has biological research facilities,” pagpapatunay ni Nuland.
Nag-alala nga raw sila na mapasakamay ito ng Russia sa paglusob sa Ukraine.
“We are working with the Ukrainians on how they can prevent any of those research materials from falling into the hands of Russian forces,” hirit ni Nuland.
Giit ng Russia, mine-maintain at pinopondohan ng US ang “pathogens of dangerous infections” sa 30 biological laboratories na sa Ukraine.
Ang pathogens ay microorganisms na nagdudulot ng sakit.
Ang practice sa biological laboratories sa iba-ibang bansa, pinalalakas ng mga scientist ang pathogen para malaman kung paano ito malalabanan sakaling kumalat at magkaroon ng epidemic sa isang lugar o pandemic sa buong mundo.
Ini-inject nila ito sa lab mice para malaman ang magiging reaction.
Ibig sabihin, ang pathogens ay pwedeng gamitin para mapigilan ang pagkalat ng sakit o kaya ay magkalat mismo ng impeksyon – pag ganito ang mangyayari, nagiging biological weapons na sila.
Sa report ng BBC, noong 1990s, nagtayo ang US ng “Biological Threat Reduction Program” matapos bumagsak ang Soviet Union para mabawasan ang peligro ng biological weapons na naiwan sa mga bansang saklaw at nasa border ng Russia tulad ng Ukraine.
Pinondohan ito ng US sa partnership with Ukraine’s Ministry of Health since 2005 para malabanan ang “threat of outbreaks (intentional, accidental or natural) of the world’s most dangerous infectious diseases”.
Read: https://www.bbc.com/news/60711705.amp
Sa Fox News, ikinuwento ng anchor na si Tucker Carlson, ang isang interview kay Robert Pope, director ng Pentagon’s Cooperative Threat Reduction Program.
Sabi ni Pope, ang scientists ay scientists, ayaw nilang wasakin ang lahat ng bioweapons.
“Instead, they’re using them to conduct new bioweapons research,” yan ang sinabi ni Pope ayon kay Carlson.
Hmm, sounds familiar, e di ba ganyang partnership din ang pinasok ng US at China sa Wuhan?
Read: https://theintercept.com/2021/09/09/covid-origins-gain-of-function-research/
Nung pinasok ng Russia ang Ukraine February 24, ibinulgar ni Gen. wwwIgor Kirillov na nakuna nila ang ang mga dokumento na nagpapakita na ang Ministry of Health ng Ukraine ay inatasan na wasakin ang lahat ng bio-agents sa mga laboratoryo.
Kaya natatakot ang US at Ukraine na mapasakamay ito ng Russia dahil ebidensya ito na lumalabag sila sa
Convention on the Prohibition of Biological and Toxic Weapons.
Bilang patunay na merong biological weapons ang US at Ukraine, sinabi ng WHO sa BBC News na pinayuhan nito ang Ukraine na wasakin ang high-threat pathogens na ito na nakaimbak sa public health labs para maiwasan magkaron ng “potential spills” o leaks na kakalat sa mga komunidad.
Ganyan di ba ang sinasabing nangyari sa Wuhan?
Read: https://www.bbc.com/news/60711705.amp
Pero nung March 12 sa UN Security Council meeting na ipinatawag ng Russia, deny to death dyan si U.S. permanent representative to the United Nations, Linda Thomas-Greenfield,
Sa, eto ang kanyang sagot sa English:
“Ukraine does not have a biological weapons program. There are no Ukrainian biological weapons laboratories supported by the United States.”
Read: http://www.xinhuanet.com/english/
Pero 2005 pa lang suportado na ng United States( has provided backing ) ang ilang institusyon para maiwasan ang paggawa ng biological weapons. Meaning,
Sabi naman ng U.N. high representative for disarmament affairs, ang UN ay “not aware of any biological weapons programs.”
Ang Ukraine at Russia ay parehong pumirma sa treaty outlawing biological weapons.
Pwersadong ng US at Ukraine na itanggi na meron silang ginagawang kabalbalan sa biological laboratories sa Ukraine para hindi maakusahang lumalabag sa international law na nagbabawal sa bio weapons.
Pero susumahin ko lang para bumakat sa mga utak natin:
The fact na may biological laboratories para sa disease prevention, pwedeng gamitin ang ini-experiment na pathogens para maging bio weapons.
Kung walang bio weapons, bakit 1990s pa lang e nag-set up pa ang US ng “Biological Threat Reduction Program” kung gumuho ang Soviet Union at wala nang powers?
Hindi ba dahil hindi naman nila winasak ang lahat ng bioweapons noong 1990s at ginagamit nila ito ngayon para aa bioweapons research?
Ayon na rin yan mismo kay Robert Pope, ang director ng Pentagon sa Cooperative Threat Reduction Program.
Kung walang bio weapons sa mga laboratoryo sa Ukraine, bakit kailangan na US Defense Department ang makipagtrabaho sa Ministry of Health Ministry? Bakit hindi ang US Department of Health?
Of all countries, bakit sa Ukraine magtatayo ng biological laboratories at hindi lang lima, 10 o 15, kundi 25 hanggang 30 biological laboratories? Dahil ba border siya ng Russia?
Kung walang bio weapons, bakit natatakot ang US na mapasakamay ng Russia ang biological laboratories? Ano’ng meron doon kung hindi ang nakamamatay na pathogens? E di ba kaya meron din ang US na “Biological Threat Reduction Program” sa Ukraine?
Kung wala naman palang biological weapons, bakit uutusan pa mismo ng WHO ang Ukraine na iatras na ang mga materyal na nasa biolabs?
Esep esep.
Additional References on US Biological Weapons in Ukraine:
1. https://tass.com/world/1419947/amp
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]