DUMAMI ang bilang ng mga formal workers working in formal economy ang nahuhulog sa informal economy. Ibig sabihin kung dati kang nagtatrabaho ng regular na walong oras 5 to 6 days a week o kaya naman ay dating sumusweldo ng minimum wage at ngayon ay nabawasan ang mga ito, ikaw ay nahulog o namamalagi sa informal economy.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit dumami ang informal economy workers dahil sa pambihirang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities and services.
Ito ang mga indications na ang bilang ng unemployment at underemployment rate ay tumataas at dumadami.
Ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ipinalabas nila noong July 6, 2022, pumalo sa 2.93 million ang underemployed kumpara sa 2.76 million noong April 2022.
Samantalang ang underemployed ay nasa 6.6 million noong May 2022 habang nasa 6.3 million noong April 2022.
Ang isa sa mga nakikita kong dahilan ay kung bakit tumaas ang unemployed at underemployed ay marahil dahil sa pagtatapos ng campaign at election season kung saan wala nang trabaho ang mga nagtrabaho sa kampanya at sa May 2022 national and local elections kabilang na ang mga nagtrabaho bilang extra sa mga campaign and elections collaterals.
Marami rin ang nag-graduate sa K to 12 at colleges at naging member ng labor force kung kaya tataas pa ang unemployed at underemployed sa magiging resulta ng survey para sa May 2022. Ilalabas ito next month.
Napakadelikado nito para sa ating gobyerno kapag nagsabay-sabay ang mga ito na mangyari sa isang panahon. Ito ang iniiwasan ng Pangulo at kanyang mga Gabinete na mangyari dahil kapiranggot na lang din ang pera ng gobyerno at lumaki pa ang ating mga utang.
Sana wag mangyari ang pagkakahawa at pagkalat pa ng COVID19 variants at ang pagtaas ng infection rate. Dahil kapag dagdag na mangyari pa ang pagkalat ng coronavirus sa kasalukuyang sitwasyon, eh di wow! Patay kang bata ka.