Trudeau nagtago versus ‘truckers power’

NAPILITAN magtago si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at buong pamilya nito kahapon matapos salakayin at paligiran ang official residence nito sa Ottawa ng mga truckers at mga Canadian na hindi sang-ayon sa mga restrictions at “no vaccines, no travel” policy ng Canadian government sa mga unvaccinated.

Pinangunahan ng mga 50,000 truck drivers sakay ng mahigit 3,000 mga trucks ang bumiyahe ng sabay-sabay patungong Ottawa para i-protesta ang anila’y restrictive at prohibitive policy ng gobyerno na nagdudulot ng kawalan ng kalayaan at makapagbiyahe at makapag-hanapbuhay.

Hindi basta makabiyahe papasok ng U.S. territory at hindi sila basta-basta makapasok ng Canada kung hindi sila bakunado.

Ang mga truckers na ito ay napaka-importante sa ekonomiya ng Canada dahil sila ang nagbibiyahe ng mga pagkain at mga importanteng commodities sa loob ng bansa at papunta at pabalik ng ilang states sa kalapit na Estados Unidos.

Masyado na umanong nahihirapan ang mga truckers at naapektuhan na ang kanilang kabuhayan dahil sa mahigpit na polisya ng gobyerno bilang paglaban sa pagkalat ng COVID19 infections doon.

Napakahigpit din daw ng contact tracing at panitiktik sa mga Canadians kaya nais nila ng kalayaan mula mga polisiya at mga regulasyon ng gobyerno kung kaya tinawag nila ang protesta na #freedomconvoy.

Sinamahan ng iba pang Canadians ang mga truckers sa protesta kaya may puntong umabot sa isang milyon ang nag-tipon-tipon sa sentro ng Ottawa.

Lalo pang umalab ang rally dahil minaliit at tinawag ni Trudeau na ‘fringe minority’ ang mga nagpo-protesta at binalewala ang boses at kapangyarihan ng mga truck drivers.

Kaya ayun, tinago na siya ng secret service dahil sa tindi ng pressure na ipinadama sa kanya ng mga protesters.

Hindi ko hinahangad o hinihiling subali’t hindi malayong mangyari ang kasintulad na phenomenon dahil sa kawalan ng consideration ng mga polisiya ng ating gobyerno gaya ng “no vax, no labas” o “no vax, no ride” policy na nakakaapekto sa paghahanapbuhay ng mga manggagawa.

Proven na kasi na walang maasahan na sapat na ayuda o assistance ang gobyerno sa mga naka-lockdown, isoalte o quarantine man lamang kung kaya’t kahit na may banta ng COVID sususungin at makipagsapalaran pa rin sila araw araw upang makapagtrabaho at makapaghanabuhay para kanilang pamilya.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]