HINDI pa summer sa Pilipinas pero naglalagablab na ang init ng pulitika sa bansa: bawat isa, pumupusisyon sa iba-ibang usapin.
Pero in the main, labanan sa Charter change o chacha ang bentahan ng mga mapanlinlang na ideya at batuhan ng putik.
Maganda kasing battleground ang chacha para pag-usapan sila ng tao, magpa-cute, maging popular at mapatibay ang recall ng kanilang pangalan hanggang eleksyon, tapos galit galit na ulit.
Para sa mga pulitiko, litmus test ang 2025 midterm elections para sa tagumpay ng kanilang mga ambisyon sa 2028 presidential elections.
Dyan masusukat kung gaano nila na-consolidate ang kanilang hanay laban sa banta ng muling paghahari ng Duterte camp.
Kaya palagay ko, on or after ng 2025 polls, maipipirmi ang desisyunan sa chacha.
By then kasi, mas klaro sa naglalabanang partido ang political landscape. Ibig sabihin, ingay lang ang chacha sa ngayon hanggang bago mag-mid-term elections.
Alam naman ng marami, at this point, milya-milya ang layo ng Marcos-Araneta-Romualdez ruling elite sa Duterte political clan pagdating sa pulitika: basang sisiw na lang sina Duterte at hindi hahayaang makaporma pa sa tulong ng sandata nila Marcos Jr – ang ICC.
Kaya tiwala lang tayo sa mga pulitiko.
Alam nila ang kani-kanilang ginagawa, may game plans silang gabay papuntang presidential elections and beyond. Meaning, babatakin nila ang panunungkulan hanggang kaya ng kanilang powers at suporta ng loyal followers.
Kung babalikan, hindi naman kasama sa campaign promise ng Marcoses ang chacha, kaya nagmumukha siyang hidden agenda.
Hiddden baraha ng Marcoses ang term extension gamit ang chacha para maibalik ang dangal ng amang si Marcos Sr at maipagpatuloy ang legacy ng kanilang panloloko, pagsasamantala at pagbebenta ng Pilipinas at mga Pilipino sa Amerika.
Pag isama kasi nilang plataporma ang chacha nung campaign, kaduda-duda na agad yan: lalabas na uulitin nila ang higit dalawang dekadang paghahari ng tatay na diktador, at dahil dyan, lalangawin sila ng botante dahil bad taste kasi. Hardcore Marcos loyalists lang bibili nyan.
Naaamoy kong kumukumpas nito ay si First Lady, deja vu.
Kaya tiwala lang tayo sa mga pulitiko.
Kasi kung seryoso silang paunlarin ang buhay ng mga magsasaka, tuloy-tuloy nilang ipamimigay ang mga lupang sinasaka ng mga tenant-farmer, bubusugin ng suportang agraryo para mas legit ang pangakong agricultural productivity.
Ipa-prioritize nila ang pagmamay-ari ng mga Pilipino ng lupa at tahanan sa sariling bayan kesa sa mga dayuhan.
Mas uunahin nilang palaguin ang kabuhayan ng masa kesa mga malalaking dayuhang negosyante, kaya pumupustura ang senado na pinupush nila ang amendments sa economic provisions.
Dahil mas pumapapel na mabangis na political reformers ang mga kongresista, kunwari nag-statement si Marcos Jr na ayaw niya ng People’s Initiative sa pagbabago ng constitution at pinapatigil nya ito.
Mas ginusto nya kunwari na senado na ang manguna sa pagtalakay ng chacha dahil economic amendments lang din ang peg kuno ni Marcos Jr.
Economic provisions na uunlad ang Pilipinas at madlang pipol.
This way, nagmukhang mas sumusunod sa proseso at walang bahid mag-abuso sa kapangyarihan si Marcos Jr.
Yan ang gusto ng mga tao, kaya mahikayat sila na suportahan ang chacha.
Pag final draft ang panukalang chacha- dun na ang pasabog na may term extension.
Kaya tiwala lang talaga sa mga pulitiko.
E ang credibility pa naman ni Marcos Jr sa mga tao ay pinalalakas ng mga banat at galawan niya laban sa aggression ng China sa West Philippine Sea.
Sana lang makita ng mga tao na kaya ganun katapang mag-utos si Marcos sa militar at coast guard na manindigan at protektahan ang sovereignty at exclusive economic zone ng Pilipinas, ay dahil nasa likod nya ang Amerika at western allies. Like father na tuta ng kano, like son na tuta rin ng kano.
Notorious ang US na sulsol-gatong at supporter ng mga gyera ng Ukraine vs Russia, Israel vs Palestine kaya alam ni Marcos Jr ang galawan nya.
Honestly, wag lang talaga sana pumutok ang gyera nila ng China sa South China Sea at maipit ang Pilipinas sa gitna.
Mawawasak tayo dahil sa pagsusunud-sunuran ni Marcos Jr sa US.
Ikaw ba naman ang kupkupin ng US at patirahin sa Hawaii e.
Tiwala lang talaga sa pulitiko.