Take home pay hit rock bottom

SIXTEEN THOUSAND PESOS ang poverty threshold sa bansa batay sa monitoring at pag-aaral ng Food Nutrition Research Institute noong 2021.

Subalit ang take home pay ng mga manggagawa na nasa formal and informal economy na tumatanggap ng minimum wage ay nasa average between P7,000 hanggang P11,000 lamang.

Ang poverty threshold ay halaga na kinakailangan ng isang pamilya na binubuo ng lima katao upang makabili ng masustansyang pagkain upang maging malakas sa pagtatrabaho ang mga magulang at malusog ang mga anak habang nag-aaral.

Ang take home pay naman ay ang iba’t ibang minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa matapos mabawasan ng mandatory deductions at ang natirang purchasing power nito sa harap ng mga price increases in commodities and services.

Ito ang lumalabas na pag-aaral na isinagawa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa paghain nito ng mga wage increase petitions sa Metro. Manila, Central Visayas, Caraga region, Soccksargen, Davao regions, and Zamboanga peninsula regions.

Nakatakdang maghahain pa ng mga wage increase petitions ang TUCP sa regions 3, 4a at Cordillera Autonomous Region (CAR). Hindi pa. man tapos, more or less, ganun pa rin ang kalalabasan: napakalayo na ng agwat ng poverty threshold sa take home pay ng milyong manggagawa sa bansa.

Jobs and salaries are the prevailing issues even before the pandemic began. The issues became bigger during the pandemic. This is widening the gap between the rich and the poor. Meaning, the poor become poorer and the rich become richer.

The next administration must make clear cut decisions to close the gap. Reform in wage setting mechanism, contractual jobs must be reduced and unionism must be promoted.
Kapag wala ang mga ito sa priority agenda ng susunod na administration, lalo pang babagsak ang kasalukuyang masamang kalagayan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Napaka-negative nito pero ito ang totoo.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]