Suspicious move

MATAPOS mabitak ang Uniteam sa pag-apruba ng House Reso 1414, going as written ang sinabi ko sa naunang column.

Essentially, sabi ko sa column noon, if seryosong seselyuhan ng Marcos-Romualdez ruling clique ang political life ng rival elite na mga Duterte, payagan nilang mag-imbestiga ang International Criminal Court (ICC) sa drug war ni Digong kung saan involved si Sara bilang pumalit na mayor noon sa kanyang tatay.

At gaya ng pahiwatig ko sa Nov 8 column,   dinamay na nga rin si Gloria Arroyo na tinanggalan nila ng posisyon sa Kamara bilang deputy speaker the following day, Tuesday Nov 7,   matapos ilabas ang House Resolution 1414 na kinastigo nila si Duterte, Monday November 6.

Ang latest tungkol dito, kahapon Martes, nag-file si Manila 6th District Representative at House committee on human rights Chair Bienvenido Abante ng  House Resolution 1477 na hinihinging makipagtulungan ang lahat ng executive branch departments sa isinasagawang ICC rights violation investigation sa Pilipinas.

Kung maaalala nyo, dati nang pumusisyon si Marcos Jr na hindi makikipag-usap ang gobyerno sa ICC dahil tumatakbo naman ang justice system sa Pilipinas.

Pero mula nang inamin ni Duterte sa SMNI television na ginagamit niya ang intelligence funds para sa extrajudicial killings, gumulong pa lalo ang panawagan ng maraming grupo at indibiduwal na papasukin sa bansa ang ICC investigators.

Matatandaan na sa fourth State of the Nation ni Duterte July 2019, ang sagot nya sa mga kritiko kasama na ang UN Human Righta Council: 

 “Extrajudicial killings? Report to the ICC? Go ahead. As long as I have a comfortable cell.”

Umugong din ang bali-balitang impeachment vs Sara sa house dahil sa unconstitutional na paglipat ng P125M pondo mula sa Office of the President at ibinigay ito sa Office of the Vice President para sa kanyang intelligence funds.

Ang Kamara lang kasi ang power of the purse o karapatang maglaan ng pondo sa mga ahensya at upisina ng pamahaalan, batay sa ating saligang batas.

Ang reaksyon dyan ni Inday Sara na lumabas sa mga balita Lunes Nov 20: 

” I believe I still have the trust of the president, why? Because before he left, I asked him about the impeachment. He told me that it’s true that he knows about the impeachment.”

Ang sagot naman ni Marcos Jr.:

 “We don’t want her to be impeached. She does not deserve to be impeached.”

Syempre kahit naman sinong mataas na opisyal ng gobyerno at takot ma-impeach lalo na kung guilty.

Pero dahil OP budget ang trinansfer na funds sa OVP, sasabit si Marcos Jr.

Para sa akin, hindi maipapasa ang impeachment process nang hindi bubuweltahan ni Inday Marcos ng mga mabibigat na sekretong itinatago ng Marcoses.

Palagay ko, may connection ito sa dayaan nung 2022 presidential elections na ginagamit na pang-neutralize ng mga Duterte laban sa Marcoses. 

Siguradong may alam si Sara sa mga hokus-pokus nung huling eleksyon. 

Hindi isusugal ng Marcoses ang pagbabalik sa Palasyo para lang mabawi ito dahil sa pagpapabaya sila sa handling kay Sara.

Kaya nga suporta pa rin daw si Imee Marcos sa Duterte dahil may papel ang relasyon nya sa Duterte sa pagpapanatili nila sa Malacańan

Pero banta ni Duterte, pag inimpeach si Inday Sara, mapupwersa siyang tumakbo sa pagka-vice president o senador, base yan sa report ng Manila Times Martes, Nov 21.

So, may takot silang ma-impeach?

Obserbahan din ang laro ni Inday Sara. Deklarasyon din niya sa ambush interview,  Linggo Nov 19:

 “Hindi ko naman talaga ambisyon na tumakbo as vice president lalong-lalo na ang president, alam nyo naman lahat yan, sinabi ko naman na di ko gusto na tumakbo as president.”

Ang magiging desisyon daw ni Inday Sara ay nakadepende on76 “God’s plan.”

Take note the words “nakadepende” at “God’s plan”.

Ibig sabihin,  plano tumakbo pero depende sa plano ng Diyos.

Di ba sabi, don’t use God’s name in vain?

Sa palagay nyo ba tama o moral na sabihin na ang ambisyon na maging presidente,    lalo na ng mga taong kasuklam-suklam ang record sa patayan, ilegal na droga, human rights violations at iba pa tulad ng mga Duterte,  ay depende sa Diyos?

Ingat at baka magaba ka na naman.

Sa bandang huli, kahina-hinala ang mga galawan ng Duterte, dumapa na ang kanilang kredibilidad at wala nang maniniwala matapos ang madugo at pro-China panunungkulan ni Digong at pagpapatuloy ng kampanya ni Inday vs democratic movement at infamous P125 million intelligence funds na ginamit sa loob ng 11 days.

Aabangan din kung hanggang saan magtatapos ang political consolidation na ito ng pro-US Marcos-Romualdez ruling elite

Asahan ang mga gantihan, twists and turns sa power struggle na ito ng anak ng official na diktador at anak ng unofficial na diktador.