Sa bawat 100 estudyanteng nag-enrol sa elementary noong 2006, tanging 31 lang ang nakatapos ng college.
Dyan sa tertiary education nagpabaya ang mga nagdaang administrasyon sa kanilang constitutional obligation.
Bakit nga ba napakakonti ang nakatapos ng college at ano ang isang basehan?
Hanggang nitong 2021, merong 1,975 Higher Educational Institutions (HEIs) na tinatawag o colleges at universities sa buong Pilipinas.
Nasa 1,729 dyan ay private institutions at ang natitirang 246 dyan ay public o state universities and colleges o SUCs.
Ang 1, 729 private schools ay 87.54% ng total 1, 975 HEIs.
At ang 246 SUCs ay 12.45% lang ng 1,975 HEIs.
Ibig sabihin, 87% o mahigit 8 sa bawat 100 colleges/universities sa buong bansa ay hawak ng mga kapitalistang edukador.
Habang 12.45% o higit 12 sa bawat 100 colleges/universities ay state-run o pinopondohan ng government mula sa buwis ng mga tao.
Asa pa ba na ma-afford ni Juan dela Cruz ang college education?
Point is, highly commercialized ang college education, more of a privilege of the few na siya rather than a basic right.
Nabale-wala ang state obligation na ito sa ating saligang batas pagdatingsa tertiary education:
1987 Philippine constitution, Article 14, Section 1:
“The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”
***
IBA-IBA ang reaksyon ng mga nanay na tinanong ko kung ano msasabi nila sa sinabi ni Education Secretary Sara Duterte nitong Monday July 18, na hindi ire-require ang uniform sa public schools.
Merong pabor kasi, walang pambili saka kahit anong damit poyde na.
Merong hindi pabor kasi, maganda pag may uniform, mukha talagang estudyante, kaya lang mas maraming damit ang susuutin kaya magastos sa laba, plantsa etc.
Nauna riyan, nag-statement din si Sara na simula November, full implementation na ang face-to-face classes.
Kinumpirma nya yan sa ambush interview nito namang Huwebes July 14.
Read: https://www.pna.gov.ph/articles/1178985
Pero tulad ng nagdaang administrasyon ng tatay na si Digong, kulang o wala na namang science ang desisyon ni Sara sa aspetong may epekto ang covid pandemic.
Ibig kong sabihin – ano ang scientific basis ng pasya niyang balik sa classroom teaching sa November 2?
Wala. E wala pa namang datos sa covid cases before November 2 eh.
Isa pang napakalaking hamon kay Sara sa education sector ang nakalulungkot na balita noong November 20, 2021.
Sa pag-aaral ng World Bank – 9 sa bawat 10 Pinoy edad 10 ang hindi makabasa at hindi makaintindi ng binasa.
Read: https://newsinfo.inquirer.net/1517494/wb-9-out-of-10-ph-kids-age-10-cant-read/amp
Kaya naman para sa akin, welcome ang initiative nina Marcos Jr at Sara Duterte na repasuhin ang K-12 curriculum na sa latest update nitong Miyerkoles July 20, ay lumalarga na ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III.
Pero hirit sana ako – i-extend ang review hindi lang sa content o quality ng education.
Best, unahin muna ang pag-review sa ACCESS to education sa lahat ng level ng edukasyon, mahalagang aspeto yan ng social justice.
Meaning, lahat ba ay nakapag-aral mula elementary hanggang college?
Narito ang ilang helpful information at rough estimate ng mga data tungkol sa access to education.
Una sa lahat, pagdating sa batas, idineklara ng 1987 Philippine constitution sa Article 14, Section 1:
“The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”
Ibig sabihin, obligasyon ng estado na pag-aralin ang lahat ng mamamayan mula elementary hanggang college.
Nasusunod ba yan?
Sa paliwanag dito, hindi isinama ang pandemic years 2020 hanggang 2022 kasi extraordinary ang situation ng buong mundo, kumbaga umaabnormal pa rin hanggang ngayon. Tapos, dumami ang hindi nakapag-aral sa Pilipinas.
Para sa elementary, sinaklaw natin ang lahat ng nag-enrol sa Grades 1 to 6 nung SY 2005-2006 at inalam ang total number of enrollees sa lahat ng level.
Kaya inasahan natin na nag-college sila at grumadweyt sa mga taong 2014 kung Grade 6, 2015 kung Grade 5, 2016 kung Grade 4, 2017 kung Grde 3, 2018 kung Grade 2, at 2019 kung Grade 1.
Then, kinuha natin ang bilang ng mga nagtapos ng college sa bawat year level. Tinotal natin yan at kwinenta ang porsyento ng mga naka-graduate ng college divided by total enrolment sa all elementary levels nung 2006.
Sa School Year (SY) 2005-2006, umabot ang total elementary enrollment sa 13, 006, 647.
Sa bilang na yan kinuha natin ang suma tutal ng grumadweyt ng college mula School Year 2013-2014 hanggang School Year 2018-2019.
(Ref: Breakdown:
1. Grade 6 pupils in 2005 who graduated from college in School Year (SY) 2013-2014:
585,288
2. Grade 5 pupils in 2005 who graduated in SY 2014-2015:
632,076
3. Grade 4 who graduated in SY 2015-2016:
645, 973
2015-2016 645, 973 https://ched.gov.ph/higher-education-graduates-sex-institution-type-ay-2015-16/
4. Grade 3 who graduated in SY 2016-2017:
703, 327
2016-2017 703, 327 https://ched.gov.ph/higher-education-graduates-by-sex-and-institution-type-ay-2016-17/
5. Grade 2 who graduated in SY 2017-2018:
751, 310
as of August 8, 2019
6. Grade 1 in 2005 who graduated in SY 2018-2019:
796, 576 as of october 2020
ched.gov.ph/wp-content/uploads/Higher-Education-Graduates-by-Sex-and-Institution-Type-AY-2018-19.pdf)
Sa mahigit 13M bata na pumasok sa elementary mula Grade 1 to Grade 6 noong School Year 2005-2006, umabot naman sa 4,114,550 sa kanila ang nakatapos ng kolehiyo o 31.6% .
Ibig sabihin, 31 sa kada 100 estudyanteng pumasok ng elementarya nung 2005
ang nakapagtapos ng kolehiyo.
Ibig din sabihin, milyon-milyon ding mga kabataan ang di nakatapos ng elementary, high school at college.
Paano kung isa sa kanila ang pinakamagiting na presidente o Nobel Laureate sa Physics? We cannot tell.
Dahil hindi afford ang college, nawalan sila ng opportunity.
Wag nang magtaka, kinokomersyo kasi ang college education.
Parang presyo ng langis, bigas, itlog at asukal, ang college education ay commodity sa Pilipinas.
Halimbawa lang sa Silliman University, ang pinakamurang kurso na AB Sociology nung SY 2015-2016 ay P24,944.73 kada semester.
Pinakamahal naman ang tuition sa BS Nursing na umabot sa P44, 117.01 per sem. Yayamanin talaga.
Dyan sa tertiary education nagpabaya ang mga nagdaang administrasyon sa kanilang constitutional obligation.
Bakit nga ba napakakonti ang nakatapos ng college at ano ang isang basehan?
Hanggang nitong 2021, merong 1,975 Higher Educational Institutions (HEIs) na tinatawag, o colleges at universities sa buong Pilipinas.
1,729 dyan ay private institutions at ang natitirang 246 dyan ay public o state universities and colleges o SUCs.
Ang 246 SUCs na yan ay 12.45% ng 1,975 HEIs.
Ang 1, 729 private schools naman ay 87.54% ng 1, 975 HEIs.
Ibig sabihin, 87% o mahigit 8 sa bawat 100 colleges/universities ay hawak ng mga kapitalistang edukador.
Asa pa ba na ma-afford ni Juan dela Cruz ang college education?
Point is, highly commercialized ang college education, more of a privilege of the few na siya rather than the basic right of all.
Yan ang dahilan o basehan kung bakit masasabing nagpabaya o sadyang kapos ang gobyerno na ideliver ang tertiary education sa madlang pipol na mandated ng constitution.
Saan ang social justice sa education?
Dapat i-prioritize ang access to college education ngayon habang nirereview ang quality education na ibinubunga ng K-12.
Pahabol lang, dapat talaga, hindi lang review ng K-12 ang gawin, kundi overhaul ng buong educational system:
Sinasagot ba nito ang pangangailangan ng mga kababayan at ng ating bansa, o mina-match lang sa kailangang trabaho ng local at foreign big business?
At pag hindi natanggap kahit college graduate, ang dinadahilan ay mismatched ang skills sa demand?
Basic.