KALABAW lang ang tumatanda.
‘Yan ang kadalasang bwelta ng mga matatanda pag pinapahinto sila ng mga anak sa pagtatrabaho kahit sa gawaing bahay, sabay hampas ng baston.
‘Yan ang kasabihang gustong patunayan at mukhang living motto ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes Jr.
Usap-usapan kasi ngayon ng mga elderly ang panukalang batas na isinusulong ni Ordanes Jr.
Mapapansin n’yo naman yan dahil may surge ng amoy Katingko sa Pilipinas ngayon, lol!
Pero seriously, sa kanyang House Bill 3220, ang isang empleyado na tumuntong ng 65 years old ay pwedeng piliin na magpatuloy sa trabaho basta’t qualified pa rin siya sa job description.
Totoo na meron namang Republic Act 10911 o Anti-age Discrimination In Employment Act pero option lang dito na magtrabaho kahit matanda na kaya hindi dapat i-discriminate.
Sa panukala ni Ordones, gusto niyang i-repeal ang mandatory retirement age na 65 years old na sinasabi sa Article 287 ng Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines.
Sa data ng United Nations – World Population Prospects, ang life expentancy ng mga Pinoy ngayong 2022 ay 71.53 years kumpara noong 50 years ago na 63.17 years.
Pero alam naman natin na hirap pa rin ang buhay ng mga Pinoy hanggang ngayon lalo’t nagtaasan ang presyo ng mga bilihin.
Ibig sabihin, humahaba ang buhay ng mga oldies, dumarami sila pero hirap naman sa buhay.
Noong isang taon, 26.14 million Pinoys ang naghihirap o kumikita ng mababa sa P 12,082 kada buwan para makaraos ang pamilya na may anim na myembro.
Na-highlight ng panukala ang pangangailangan ng seniors na imbes mag-enjoy sa natitirang panahon dito sa Earth ay kumakayod pa para mabuhay.
Ugali rin kasi ng Pinoy seniors ang pagiging makulit, magkakasakit yata pag hindi gumalaw.
Kaya pag naisabatas ang panukalang magre-repeal sa compulsory retirement, mai-institutionalize ang ganyang nakasanayan ng mga lolo’t lola natin na galaw-galaw para hindi ma-stroke.
Katunayan, may pag-aaral sa Harvard School of Public Health na ang mga senior na humihinto sa trabaho ay nakararanas ng depression, heart attacks at pag-iisip na wala silang silbi sa buhay, feeling worthless.
Read: https://www.bps.org.uk/psychologist/retirement-health-and-wellbeing
Totoo rin yan dito sa Pilipinas lalo na yung pakiramdam na wala na silang silbi.
Sa ibang bansa nga dinadala na sila sa elderly homes.
Pero sa palagay ko they are missing the point.
Habang nagkakaedad ang tao, nabubuo at naiipon ang kanyang wisdom.
In that sense, mas deep pa sila mag-isip at dyan pa lang, marami nang pakinabang ang mga kumpanya sa senior citizens.
Karaniwan, kinukuha silang consultants, advisors, motivational speakers, managers o supervisors.
Ang mga kumpanya tulad ng Boeing, Bank of America, Walgreens, GM, at iba pa, ay niyayaya ang mga young once na bumalik sa trabaho sa programa na kung tawagin ay “returnship” imbes internship.
Read: https://www.sfchronicle.com/business/networth/article/With-talent-scarce-some-firms-offer-13746195.php
Maraming senior citizens ang mas naging produktibo o kapaki-kapakinabang nung nagkaedad sila.
Si Albert Einstein, inilaan ang senior years sa pagtataguyod ng international peace.
Read: https://mathshistory.st-andrews.ac.uk/Biographies/Einstein/
Si Harland Sanders, nagtrabaho bilang magsasaka, bombero, insurance agent at streetcar conductor bago mag-50 years old.
Pero nung nag-career change siya at nag-chicken restaurant, saka siya naging milyonaryo nang sa edad na 62, at nagbenta siya ng franchise ng Kentucky Fried Chicken.
Read: https://blog.cheapism.com/people-who-found-success-late-in-life/amp/
Wag na tayong lumayo, dito sa Pilipinas, kinilalang Father o Grand Old Man of Philippine Politics, si Senador Lorenzo Tañada dahil sa ipinamalas niyang pagiging makabayan o anti-US imperialism.
Hanggang sa edad na 92, bumoto siya laban sa pagpapanatili ng US military bases sa Pilipinas nung September, 1991.
May inilabas dati na datos ang Department of Labor and Employment Bureau of Local Employment, na nagsasabing dumami ang employment ng oldies.
Mula 1.5 million nung 2013 at 1.6 million nung 2017, umakyat pa ito sa 1.8 million nung 2018.
Lumalabas na may basis in fact at history ang panukalang bitiwan na ang compulsory retirement age.
Habang nagkakaedad e dumarami pa ang nalalaman ng tao.
Sabi nga sa English ng batikang physicist at cosmologist na si Stephen Hawking, “Work gives you meaning and purpose, and life is empty without it.”
Marcoses lang talaga, mga kalahi at asslickers nila ang tumatanda ng paurong, di matanggap ang pagkakamali, pagnanakaw at pang-aabuso ng pamilya sa madlang Pipol noong martial law years.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]