HINDI lang naman ang kilay is life.
Ang science ay life din.
Katunayan, puno ng siyensya ang paggawa ng eyeliners o mascara.
Sa ingredients pa lang – maraming chemicals ang eyeliners at mascara na nakaaapekto sa kalusugan.
Ilan dito ang coal tar na colorant o pampakulay ng kilay. Opo carcinogen yan, MAY POTENSYAL magdulot ng cancer.
Meron din yang parabens na preservative na kapag tumagos sa balat ay POSIBLENG magresulta sa hormonal imbalance at infertility.
Idagdag pa ang heavy metals tulad ng aluminum at mica na nagbibigay ng shimmer and shine, naks.
Sa pag-aaral – dalawa ang MAAARING epekto nito: ang birth defects at nerve damage.
Ridiculous o incredulous ang dating – dahil lang sa eyeliner o mascara, magka-cancer ka, mababaog o nerve damage.
Ayon lahat yan sa Medical News Today at essentialmovestowellness.com
Mukha lang boring o intmidating ang science kaya ini-snub ng marami, lalo na ang physics.
Pero pag nalaman natin ang maraming bagay sa mga pang-araw-araw na ginagawa o ginagamit natin, either napapa- “ay ganun?” tayo in disbelief o takot, o kaya naman, ay napapa-“wow!” tayo pag fascinating o amusing.
Kaya tanggapin na natin na ang science tulad ng physics ay parte na ng life, whether we like it or else, lol.
Para mas ma-appreciate ng marami ang science, sumentro tayo na nae-encounter natin araw-araw.
Nandyan ang galawan ng electrons sa gamit nyong cellphone o computer, o kapag nagpapa-Magnetic Resonance Imaging (MRI) kayo, o kaya ay gumagamit ng GPS o Global Positioning System para ma-track ang isang tao, hayop o bagay.
Ang behavior ng photons ng light o liwanag para ma-convert sa electricity ang solar panel o paglawig nito, para maging laser, o kahit kung paano patuloy na nagliliyab ang araw.
Lahat yan, nangangailangan ng quantum physics.
Totoo naman may pagka-komplikado, pero ang simpleng paliwanag – ang quantum physics ay physics na ikinukwento kung paano gumagalaw ang mga bagay-bagay na nakaapekto sa energy at iba pa.
Kung paano nagtatrabaho ang atoms na binubuo ng electrons, protons at neutrons na pinagsasama-sama ng electromagnetism at malakas na nucleat force.
Nandyan din ang epekto ng gravity sa mga materyal na bagay.
Sinasabing unang nadiskubre o nagka-ideya sa quantum physics ang mga scientist sa gamit na kitchen devise – ang bread toaster.
Ang proseso para ma-convert ang electrical energy sa heat energy ay pinapapelan ng quantum physics kung saan nagtatravel ang electrons etc.
Mula pagsaksak sa outlet, pagdaloy ng kuryente, pag’-init at pagbaga ng mga nakapaikot na coil sa loob pati pagkontrol ng baga para hindi gaanu matusta ang sandwich ay involved ang quantum physics.
Kung sa quantum physics marami nang pakinabang ang mga tao, paano pa kaya sa ibang branches ng science.
Point is, dapat priority ang edukasyon at science sa pag-asenso ng isang bansa.
Ang problema; barya-barya lang halos ang nadagdaag sa proposed budget ng Department of Education (DepEd).
Mula P721 billion this year, nagdagdag lang 5 percent o P758.6 billion budget masabi lang na tumaas.
Alam naman natin na malaking parte nyan ay mapupunta sa sahod ng teachers at non-academic personnel.
Ang proposed budget naman sa Department of Science and Technology (DOST), na P24.916 bilyon nung 2021 ay tinapyasan pa at naging P23.793 bilyon na lang sa isang taon.
Kasama sa nabawasan ng budget ang Philippine Science High School.
Mula P2.94 bilyon ngayong 2023, magiging P2.7 bilyon na lang sa 2024.
Dyan naman parating sablay ang gobyerno, puro token of appreciation, lip service, daldal lang ang pagpapahalaga sa edukasyon at science and technology pero sa actual, maliit na nga ang budget, binabawasan pa.
Tulad nyan, kailangan talagang maglaan ng P150 milyo confidential funds si Inday Sara imbes isama sa DepEd funds.
Kahit magbuhos ng pondo sa Confidential and Intelligence Funds (CIFs), hindi nyan malulutas ang insurgency kung maniniktik ka lang ng NPA recruitment.
Most effective solution pa rin ang pag-ugat at paglutas sa dulot ng rebelyon – which is kahirapan.
Ang paniniktik ay hindi produktibo at hindi mabuting gawain sa demokrasya. Mapanghati ito sa mga tao para mag-away-away.
Classic yan pero bulok na style ng mga pulitiko – divide and rule.
Samantalang ang pag-aaral o edukasyon, produktibo – lumilikha ng mga imbensyon, mga bagong kaalaman para sa mapabuti ang buhay ng tao.
Gets mo ba.