Sangkaterbang Usec, Asec sa Department of Agri pero top rice importer pa rin ang Pinas

UNLI rice pa rin ba kayo hanggang ngayon? 

Well milled man yan, brown rice o bigas na minsan may bukbok, basta’t hanggang may kanin, kain lang nang kain as if mauubusan ng sinaing, or bibitayin kinabukasan? Lol!

Hinay-hinay lang din!

Pag nagkataon, isa kayo sa dahilan kaya number one rice importer pa rin ang Pilipinas for the second straight year sa pag-angkat nito ng record 3.8 million metric tons (MTs) ngayong 2024, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA). 

Pero binago yan ng international agency dahil umorder pa  ulit tayo ng bigas sa Vietnam kaya aabot ng 4.1 million MTs yan this year.

Number 2 naman ang China, sinundan ng Indonesia, European Union, Nigeria then Iraq.

Sa konsumong 16.6 million metric tons (MTs) ngayong taon, lumanding ang Pilipinas bilang pang-anim na bansang pinakamatakaw sa kanin sa buong mundo, ayon pa rin sa USDA.

Kaya sa isang taon, aakyat pa hanggang 17.1 million MTs ang target rice consumption natin ng bigas.

Dahil diyan, sa unang forecast ng USDA  para sa calendar 2025 na 4.2 million MTs rice imports, prinoject ng ahensya na mananatiling number one rice importer pa rin ang Pilipinas sa ikatlong sunod-sunod na taon.

Bukod sa galit sa kanin, paniwala ang USDA na lumolobong populasyon at tourism ang nagtutulak sa Pilipinas para mag-import ng mas marami pang bigas. 

Sa estimate ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa mahigit 109 million nung 2020, dadami pa sa higit 113 million ang populasyon ng bansa. 

Pero syempre, para sa government planners tulad ng Department of Agriculture, asahang factored in na yang paglago ng population kaya inaasahang may target na aabutin para hindi kakapusin sa bigas.

Tama  o mali? 

Pero meron nga ba?
Meron nga  – ang mag-import pa lalo ng bigas. Lol!

Ano ba ginagawa ng mga opisyales ng DA? 

Nag-check ako sa website ng Department of Agriculture at nalaman ko sa rapid scanning ng iba ring ahensya, isa ang DA,  o posibleng pangalawa ang ahensya,  sa mga departamento na tinambakan ng mga taong tumulong sa kampanya ni Marcos Jr sa pamamagitan ng appointments. 

Kung appointments-for-sale ito, aba e may kita nga yata talaga riyan.

Sa kanilang website, as of May 7, 2024, ang DA ay merong 24 karaming undersecretaries at assistant secretaries (Usec -13; Asec – 11).

Dyan pa lang at mga angkan nila, ubos na ang supply ng bigas, hahaha!

Feeling ko, meron dyan unnecessary offices kundi man ay binuong opisina for political accommodation. Pati bureaucracy, bundat sa layer-layer ng opisina.

Ganunpaman, granted nandyan na yan,  saang pansitan kaya natutulog ang mga opisyal na ito at imbes palaguin ang rice at iba pang agricultural production, mag-aangkat pa rin tayo – at mas marami pa. 

Magtrabaho naman kayo.

Dati, mas masagana ang harvest natin kesa sa kapitbahay na Asean countries at tinuturuan pa natin sila ng UP Los Banos,  sa rice varieties production.

Higit sa lahat,  Pilipinas ang headquarters ng International Rice Research Institute  (IRRI). Di ba dapat mas bongga pa ang dami ng harvest natin?

Ayon sa USDA, bagaman record harvest  ang Pilipinas sa isang taon na may inaasahang 12.7 million MTs, pampito na lang ang bansa sa world’s largest rice producer, nakabuntot na lang sa Thailand at Vietnam.Pwede, magbawas ka naman ng tao, Liza, este Marcos Jr at magdagdag ng aanihing bigas.
Nagsisikip na naman hininga ko at naniningkit ang mga mata, grabe kayo. 

Trivia pa:

Kung hindi ako nagkakamali, pinakamaraming abangers ng daan-daan libong sahod kada buwan ang Department of Social Welfare and Development na merong 10 undersecretaries at 19 na assistant secretaries or total of 29 more officials bukod pa sa mga directors. 

Ang balita ko nga. merong pang isang Office of the Special Assistant to the Secretary (SAS) na wala sa plantilla dahil kilala ko ang inappoint na yan.

Hindi naman nakakapagtaka na aabot sa 30 yang mga usec/asec,  dahil tulad ng Department of Agriculture,  sila ang nakadikit sa masa at nagpapamudmod ng mga ayuda lalo na pag may kalamidad, kaya asahang attractive sa mga gustong kumandidato, papogi at  paganda departments pag eleksyon. Uwian na talaga, may nanalo na.

Isa pang departamento na hitik sa usec at asec ang Presidential Communications Office (PCO).

Sa kanilang website, hindi pa nagkasya na meron nang secretary, nagdagdag pa ng senior usec, plus 5 usec plus 13 asec,  o total of 19.

Balita ko, daan-daang libo kada buwan din ang mga sahod nila.

Apaka- inggitero ko talaga. 

Apparently, image-building apparatus ang size ng bureaucracy na yan. Of course, may mga nakasama ako riyan sa trabaho at impeyrnes, kilala kong dedicated at tapat. 

Kaya importante ang PCO para ipakalat at malaman ng madlang pipol ang maraming impormasyon tungkol sa ginagawa ng gobyerno. Me biglang kambyo, hahaha mukha lang akong ewan.

At the end of the day, kahit ang hirap mong ipaglaban, I will still choose Pilipinas.