NAPAPANSIN nyo ba, pag may online order kayo sa Lazada o Shoppee, two to three weeks or more dumarating kapag galing abroad?
Tapos pag icha-chat mo sa Tagalog o TagLish, ang sagot – I don’t understand you.
Pag ita-track mo na ang panggagalingan at pagdaraanan ng package, galing pala sa China.
Guilty ako na dati, pag may mga produkto akong binibili, e galing pala China.
Style ko kasi pag may bibilhin sa online, ang tinitingnan ko is yung engagement – mga komento ng bumibili, reply ng sellers at ratings sa items.
Pag pinakamaraming positive comments at 4 to 5 ang ratings, yun ang nilalagay ko sa cart.
Saka ko na lang nalalaman na galing China pag tina-track ko na.
Hindi nakapagtataka dahil ayon sa markheng.info, 400, 000 items sa Lazada ay galing mismo sa China.
Ayon sa Lazada, meron siyang 155,000 sellers at nagbebenta ng 3,000 brands na nagbebenta sa 560 million consumers.
At lalong hindi nakapagtataka dahil ang Lazada ay pag-aari ng Chinese e-commerce giant, Alibaba. China na naman.
Ang Alibaba ay para siyang Amazon ng West bagaman naka-concentrate sa Southeast Asian countries.
Nagsimula ang Alibaba Group Holding Limited noong June 28, 199 sa Hangzhou, Zhejiang, China.
E ang Shopee, sino may-ari?
Ang Shopee founder ay si Li Xiao Dong o Forrest Li, China-born Singaporean. China pa rin.
Dumating si Li sa SIngapore 17 years ago na meron lamang student loan na $100,000, walang pera sa bangko at nangungupahan lang ng isang maliit na flat.
Kung ang Lazada ay merong 160 million active users at mahigit one million sellers kada buwan nung 2022 ayon sa Business World, ang Shoppee naman ay merong 10 million active sellers at 343 million active users monthly nung 2021, ayon naman sa Gitnux Market Data.
Ibig sabihin, sa online shopping, pag nag-boycott ang Pinoy users/ buyers, sureball ang impact nyan sa trading at manufacturing ng Chinese sellers at producers.
Kaya ko naman nakwento yan dahil may mga kababayang nagpu-push ng Boycott China products habang may pino-float sa ibang level na international economic embargo o sanction when push comes to shove, o pag lumala ang China aggression sa West Philippines Sea.May powers ba tayo mag-sanction sa China bilang ganti sa aggression nila sa West Philippines Sea?
Silipin lang natin ang ilan sa challenges pag ituloy ang mga balak na yan at pasadahan ang ilang trading at business relations ng Pilipinas at China.
Bad news 1:
Ayon sa oec.world, kada taon, mas dumarami ang ini-export ng China sa Pilipinas habang mas kumokonti ang ini-export ng Pilipinas sa China.
As of June 2024, nag-import ang Pilipinas sa China ng mga produktong nagkakahalaga ng $ 4.62B habang nag-export naman tayo sa China ng total of $1.9B pabor sa China sa trade balance na $3.03B.
Pinakamalaking in-import natin sa China ay refined petroleum, rubber footwear, iron pipes at iba pa. Take note – produktong petrolyo ay need natin.
Samantalang ang biggest export natin sa China ay integrated circuits, nickel ore, semiconductor at copper.
Sa report nga ng Nikkei Asia, June 21, 2024, top trading partner ng Pilipinas ang China na may kabuuang $41 billion exports at imports nung 2023.
Sinundan ito ng Japan, $21 billion at pangatlo lang ang sinasabing closest at longest ally ng Pilipinas na US, $20 billion. Haizt, Uncle Sam talaga, puro kada at porma lang.Astig, hirap buwagin ito ng simpleng boycott China products. Lol!
Bad News 2:
Base sa Central Bank records, mula 2016 – 2022, ang Chinese at Hong Kong based na mga kumpanya ay namuhunan at nagnegosyo sa Pilipinas ng may $1.7 billion.
Bad News 3:
Eto pa ang isang pasabog – alam nyo bang China ang isa sa biggest bilateral lender ng Pilipinas?
Sa report ng Financial Times, June 5, 2024, base sa pananaliksik ng AidData, research unit sa William & Mary University, mula 2000 hanggang 2022, nag-commit ang China ng state-directed $9.1 billion pautang sa Pilipinas.
Yes, kaya bago pa man magsimulang mag-boycott ng Chinese products ang mga Pinoy, e sinasakal na tayo ng China sa pautang. Aw! Talo pa rin.
Anyways, dati namang practice at legit ang economic o trade embargo o sanctions ng mga bansa sa isa’t isa.
Halimbawa nung August 2020, ipinagbawal ng Pilipinas ang pag-export ng chicken meat galing Brazil kaugnay ng covid pandemic.
Nung 2012 nakiisa ang Pilipinas sa panawagan ng United Nations na magpatupad ng sanctions laban sa terorismo kaya naglabas ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council na tinarget ang mga tao o samahan na nagpipinansya sa Al Qaeda at Taliban.
Given ang lahat sampol na nabanggit – online commerce, trading, investments at utang sa China, may panama ba tayo sa China pag nag-sanction tayo sa kanila?
Paniwala ko, kakayanin ng Pilipinas ang iba-ibang creative na pamamaraan para ipadama sa China ang galit natin sa kanilang patuloy na panghihimasok sa ating sovereign rights at teritoryo.Ang issue ng West Philippines Sea ang isang national issue na nag-u-unite sa madlang pipol at pwede itong gamitin para baligtarin ang sitwasyon pabor sa atin dahil Atin ang West Philippines Sea.
Pinoy pa ba na madiskarte, mawawalan ng brilliant ideas? Finally, ang decisive moment:
Lahat ng tunay na kaalyado ng Pilipinas na naniniwala sa rules-based order at kontra sa pambubully ng China ay dapat nang tumindig at sama-samang mag-sanction bilang parusa sa kanyang nagiging madalas at marahas na aggression sa West Philippines Sea.