SA Hunyo inaasahang magaganap ang rigodon sa hanay ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.
Itatalaga sa posisyon ang ilan sa kanyang mga kaalyado na tumakbo noong 2022 national and local elections.
Sa Hunyo kasi matatapos ang one-year ban na mabigyan ng posisyon sa pamahalaan ang mga tumakbo sa nakaraang halalan na nakasaad sa ating election code.
Nabanggit na natin ang ilan sa mga posibleng italaga sa ilang mga key positions pero patuloy pa rin ang paglutang ng pangalan ng ilang personalidad.
Tulad na lamang ni dating PNP general Thompson Lantion na siya ring kasalukuyang secretary-general ng Partido Federal ni Pangulong Marcos Jr.
Balitang itatalaga ang dating heneral at kapwa Ilokano gaya ng pangulo sa Department of Transportation.
Hiindi na bago sa transportation department si Lantion na dati ring naitalaga bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board noong Arroyo administration.
Bukod kay Lantion ay lumulutang rin ngayon ang pangalan ni Atty. Larry Gadon na posibleng hirangin bilang pinuno ng Presidential Management Staff.
Hanggang ngayon ay bakante ang PMS top post makaraang magbitiw ang dating pinuno nito na si dating Sec. Zenaida Angping.
Pero ang isa sa pinakamalaking balita ay ang posibleng paghirang sa bagong executive secretary.
Balita kasi na ilalagay bilang “little president” sa Malacanang si Interior Sec. Benhur Abalos.
Posible ito lalo’t mainit ang isyu sa pagitan ng kalihim at liderato ng Philippine National Police na nasa ilalim mg DILG.
Wala pang nasasagap na balita ang aking spotter kung saan ililipat o posibleng umalis na nga sa gobyerno si Executive Sec. Lucas Bersamin.
Sa mga susunod na araw ay ilalabas pa natin ang ilang mga pangalan.
Pero lahat ng mga ito ay pawang mga impormasyon pa lang na lumulutang at hangga’t hindi sila nauupo sa pwesto ay mananatiking kwento lamang.
Ika nga eh, hangga’t wala eh wala.