MASALIMUOT na usapin ang reclamation project sa Manila Bay dahil nakasalalay dito ang usapin sa pangangalaga ng kalikasan at kabuhayan ng ilan sa ating mga kababayan.
Pero sa paglipas ng panahon at patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran dulot ng global warming ay muli na namang lumulutang ang idea ng reclamation sa Manila Bay.
Kabilang dito ang paglalagay ng isang artificial barrier na siyang haharang sa pagpasok ng tubig-dagat hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa mga lalawigang nakapaligid sa Manila Bay.
Bukod pa ito sa Manila Bay Master Plan na isinasapinal ng National Economic Development Authority o NEDA.
May ilan kasing mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaan ang nangangailangan ng bahagyang reclamation activity.
Tulad na lamang ng Bataan-Cavite Interchange Bridge at ang proyekto na popondohan naman ng pribadong sektor na extension ng Roxas Boulevard hanggang sa itinatayong international airport sa lalawigan ng Bulacan.
Nagtataka lang ako dahil sa isyung ito ay panay ang ingay ng isang napakayamang pulitiko samantalang ang kanilng pamilya ang itinuturong dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran dahil sa kanilang negosyo.
Ito ba ay dahil hindi sila nabibigyan ng malaking proyekto sa mga nakalatag na plano sa Manila Bay projects ng gobyerno?
Ano’t anuman ang dahilan nakakapagtaka lang dahil kasama nila sa pagsawsaw sa isyu ang ilang makabayan kunong grupo kaya hindi ko maalis na maisip na basta ba may common interest ay magsasanib na ng pwersa ang dalawang magkasalungat na grupo?
Sinabi ng aking spotter na bukod sa isyu ng pulitika ay may “magkanong dahilan” rin na involved sa partnership na ito ng nasabing pulitiko at mga nagpapakilalang makabayan kuno.
Hindi pa tayo tapos dito kaya abangan ang susunod na kabanata.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]