DAHIL sa pandemya, nadiskubre natin kung sino sa ating mga elected at appointed public officials ang puro kritisismo at propaganda lang, at kung sino-sino ang mga magagaling, masisipag at may konkretong accoplishments na pinakinabangan ng ordinaryong mamamayan.
Ang tinutukoy ko ay mga public officials magmula sa barangay chairman, mga kagawad, mayor, vice mayor, councilors, governor, Sangguniang Bayan, congressman, senators, vice president at president.
Tumatatak din sa mga tao ang mga appointed local and national executive officials na may nagawa sa pakinabangan ng nakararami. Alam ng mga tao ang may nagawa na at may gagawin pa lang.
The voters are now looking for a new “menu” o bagong putahe kung baga. Bumenta na at tapos na putahe sina Ramos, Erap, GMA, PNoy. Itong putahe na kasalukuyang ino-offer ni Duterte ay sinisilip kung may accomplishments nga ba.
The 2022 national and local elections will judge if the Duterte administration really worked hard for the people.
The extreme poverty brought by the pandemic sharpened the people’s power to choose the ones to lead them. They are in need of a true public servant.
Pumalo sa 17.5 million ang nawalan ng trabaho at some time. At umabot ang peak ng underemployed o yung may trabaho pero 2 o 3 beses nalang pumasok per week, o kaya naman ay nasa floating o furlough status sa 20 million dahil hindi kakakayanin ng kumpanya ang pasweldo sa kanila.
Kasalukuyan din nakapako at stagnant ang sahod habang ang purchasing power nito ay bumabagsak dahil pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin at halaga ng mga serbisyo.
Maraming nag-iingay na mga aspirants sa TV, radio, pahayagan at social media pero kung titingnan natin ang kanilang track record, wala namang konkretong pinakinabangan na ng kanilang mga constituents.
May namigay ng tulong at nagpakain ng lugaw nguni’t ang mg ito ay props at gimmick lamang at walang long term na impact sa buhay ng mamamayan.
The politicians with long-term plans and concrete accomplishments will be the voters’ choice in 2022.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]