PUSPUSAN ang panliligaw ng isang nilalangaw na partido pulitikal sa isang sikat na aktor.
Gusto nila itong mapasama sa kanilang senatorial slate para sa darating na 2022 national elections.
Ang masama rito, kahit hindi pa nagbibigay ng commitment ang aktor ay nakalista na ayon sa aking cricket ang pangalan nito sa mga ikinakampanya at inihihingi ng pondo ng nasabing grupo.
Kumbaga ay gamit na gamit na ang pangalan ng aktor kahit wala pa naman itong ibinibigay na go signal sa naturang partido.
Noong una ay desidido siyang tumakbo bilang kongresista sa kanilang distrito pero dahil sa patuloy na pagbulusok ng kanilang partido ay nag-beg off na si aktor.
Bukod dito ay ayaw na ayaw ng kanyang pamilya na sumawsaw siya sa pulitika lalo na ng kanyang magandang misis.
Pero dahil likas daw sa aktor ang pagiging malapit sa mga tao at matulungin kaya nagdadalawang isip ito sa ngayon.
Anuman ang maging desisyon ng aktor ay tiyak na makakaapekto ito sa nasabing political party na ayon sa aking cricket at iniiwasan at iniiwan na ng kanilang mga kasapi.
Hanggang sa ngayon kasi ay problema nila ang pondo hindi lamang para sa national positions kundi maging sa mga lokal na kandidato.
Ang aktor na hanggang ngayon ay pinipilit pa ring maisama sa senatorial lineup ng isang sisinghap-singhap na partido ay si Mr. D….as in Diamond.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]