OK, medyo parang nakakaloko yung title. Pero kasi nitong Wednesday ay dumalo ako sa isang press conference ng Philippine Space Agency.
Yes, you heard it right! The Philippines actually has a national space agency. And it has a name, PhilSA.
Ang nagpresent sa presscon ay si PhilSA Deputy Director General Gay Perez at sa totoo lang, impressed ako sa kanya at sa presentation niya.
Sa gitna ng napaka-teknikal na presentasyon ni DDG Perez, naisip ko, meron bang praktikal na pakinabang sa ating mga Pilipino ang magpatakbo ng isang space agency? So itinanong ko ito sa kanya.
Nakakagulat ang naging sagot ni DDG Gay Perez.
Meron na tayong ilang satellite na umiikot sa orbit ng earth at ito pala ay nagpapadala na ng mga datos sa pamahalaan na nakakatulong sa ilang trabaho nila.
Kabilang sa silbi ng mga satellites na ito at ng space agency ay ang paglalatag ng COVID-19 map na nagpapakita kung saan saan dumadami ang mga kasong ito. Nagagamit na pala ito ng pamahalaan sa mga desist on nila ukol sa COVID-19 response.
Maging sa environment pala at mining ay nakakatulong na ang satellites natin at ang PhilSA upang matukoy ang mga lugar na in danger sa environmental disasters at over mining.
Of course, earth observation pa lang ang kapasidad ng PhilSA at malayo pa tayo sa mga nakikita natin na ginagawa nila Jeff Bezos at Elon Musk sa Amerika.
Pero bakit hindi, new frontier nga ang kalawakan at napaka small minded naman natin sa Pilipinas kung walang mag-aambisyon na makarating din tayo dun.
In T-minus-10, 9, 8…….