Metro Manila, Laguna, Bataan MECQ na

SIMULA Sabado, Agosto 21, hanggang 31, isasailalim ang buong Kamaynilaan at ang lalawigan ng Laguna sa modified enhanced community quarantine mula sa mas mahigipit na enhanced community quarantine.

Sa anunsyo na ginawa ng Malacanang Huwebes ngg gabi, sinabi rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na ilalagay rin sa MECQ ang probinsiya ng Bataan simula sa Lunes, Agosto 23 hanggang 31.

“These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns,” dagdag ni Roque.

Sa ilalim ng MECQ, hindi pa rin maaari ang al-fresco dining at personal care services gaya ng mga restaurants, beauty salon, barbershop at spa.

Maging ang mga religious activities ay mananatiling hanggang virtual lang muna.