Pinoy techie nagkagulo dahil sa iPhone 14

NOONG nakaraang linggo ay ibinida sa publiko ang mga bagong modelo ng ilang Apple products.

Iphone 14, pro max, Apple watch at iba pa.

At tulad ng inaasahan ay nagkagulo na naman sa mundo ng mga Pinoy techie.

May mga kakilala ako na tumawag na sa kanilang mga contacts sa iba’t ibang panig ng mundo para lamang mapabilang sa mga unang Pinoy na magkakaroon ng bagong model ng Apple products.

Hindi ganito ka-excited ika nga ang mga Pinoy techie sa ibang electronic gadgets tulad ng cellphone, computer at iba pa na gawa ng ibang brand.

Naiiba ang kanilang mundo sa tuwing naglalabas ng bagong produkto ang Apple.

Eh bakit nga ba?

Sa aking tingin ay nailagay ng Silicon Valley tech giant ang kanilang pangalan sa pedestal dahil sa maayos nilang produkto.

Sinabi kong maayos dahil hindi naman talaga sila ang nauuna sa ilang innovations pagdating computing at system upgrades.

Pero napanatili nila ang maayos na ecosystem gamit ang sarili nilang operating system na IOS.

Di tulad sa Android na nagsisiksikan ang ilang communication brand, ang Apple ay may sariling sistem na ginagalawan.

Mas kontrolado nila ang sitwasyon kaya nga mas safe ang kanilang mga produckto lalo nasa isyu ng data privacy.

Seamless rin ang ecosystem kung saan ay tila nag-uusap ang mga gamit ko Apple products dahil sa maayos na operating system.

Status symbol rin ang Apple lalo na sa mga techie na gustong ipakita na updated ang kanilang mga gadgets.

Kapag nagsawa ka naman sa Iphone o macbook na gamit mo mas mataas pa rin ang resale value nito kumpara sa kanilang mga kalaban sa merkado.

Pero ingat rin tayo sa pagpapakita ng mga mamahaling gadgets sa publiko dahil baka ito pa ang maging dahilan ng ating kapahamakan.

For practicality reason lahat naman ng tech brands ay kayang magserbisyo base sa pangangailangan mo.

Nagkakatalo lang sila sa quality ng serbisyo na ibinibigay pero hindi rin nangangahulugan na mas maganda ang mas mahal.

Simple lang naman ang panuntunan ko sa pagbili ng produkto lalo na kung ako rin ang gagamit nito.

“Buy nice or buy twice”.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]