INTERESTING development ang naiipong lakas ng iba-ibang bansang lumalakas ang ekonomiya para bumuo ng hiwalay na international currency na ipapalit o tatapat sa US dollars sa pandaigdigang kalakalan.
Pinangunahan ito ng BRICS emerging market economies – Brasil, Russia, India, China at South Africa.
Binuo ni Jim O’Neill ang acronym na BRIC nung 2001 na wala pa ang South Africa, sa paniwalang pangungunahan nila ang global economy sa 2050.
Si O’Neill ay chief economist ng Goldman Sachs na leading investment banking, securities at investment management firm.
Yun pa lamang apat na bansa ay sumasaklaw sa mahigit 2.8 bilyon tao o 40 percent ng world population, sumasakop sa mahigit 1/4 lawak ng lupa sa tatlong continents at umaayuda ng mahigit 25 percent ng global GDP.
Ang konsepto ng BRIC ang nagtulak para magsama-sama ang mga pangunahing bansa na nagmimiting-miting para pagandahin ang kanilang ekonomiya sa pagitan ng 2001 hanggang 2006.
Dinagdag ang South Africa nung December 2010 nang imbitahan itong sumali.
Itinataguyod ng BRICS ang kapayapaan, seguridad, development at cooperation.
Ginawa ang una at makasaysayang summit sa Yekaterinburg, Russia nung June 2009.
Sumulpot ang usapang palawigin ang BRICS membership at tinukoy ng Goldman Sachs ang “Next 11 Emerging Markets” sa kanilang 2005 Economics Paper No. 134:
Bangladesh, Egypt, Indonesia, Iran, Korea, Mexico, Nigeria, Pakistan, Philippines, Turkey at Vietnam.
Sa darating na August, isa sa main agenda ng BRICS Summit sa Johannesburg, South Africa ang pagbubuo ng BRICS currency na pinu-push ng Russia at pinapaboran ng China para hamunin ang “dollar hegemony” o dominasyon sa world trading.
Naninindigan ang South Africa na ang pagkakaroon ng BRICS currency ay makaka-empower sa maraming bansa na matagal nang apektado ng bawat paggalaw ng US dollar.
Dominant currency na ang US dollar pagtapos ng World War 2.
Eighty percent ng international transactions ay gamit ang big bucks at halos 2/3 ng currency reserves ng mga central bank ay nasa dollars.1
Dyan palang masasabing maaalog na ang US dollar at ang dyang pagkakaroon ng bagong currency ay sadyang magiging game changer.
Bakit nga naman kasi nakadepende na lang ang lahat ng bansa sa US dollar pagdating sa kalakalan? O mag-reserve ng US dollars sa kanilang central banks?
Hindi ba pwedeng may alternative currency?
Ano ang pwedeng mangyari pag may BRICS currency na?
Automatic na madi-dislodge ang US dollar sa BRICS at mga bansang sasali rito.
Kikipot na ang teritoryong gagalawan o maaapektuhan ng US economy pag gumalaw o humina ito.
Ang European countries halimbawa ay mapipilitan nang magbayad ng BRICS currency sa Russia na malaking supplier ng langis.
Parang Euros ang BRICS currency pero mas malapad at mas malakas ang impact.
Ang mga national currency halimbawa tulad ng peso ay hindi na madaling maapektuhan ng galaw ng ekonomiya ng BRICS, darami at lalakas pa ang trade partners.
Ang mga bansang kasali sa BRICS economic grouping ay bibili ng imported goods gamit ang BRICS currency, hindi na dollar.
Hanggang ngayon ginagamit ng Amerika ang financial sanctions para isulong ang kanyang security interests.
Halimbawa sa Russia-Ukraine conflict, ginamit ng US ang dollars para patawan ng financial sanction at gipitin ang Russia.
Pag meron nang bagong currency ang BRICS, hindi na eepekto ang pambubully ng US sa Russia.
Para sa mga bansa o grupo na anti-imperialist, maaaring positibo ito although capitalist countries na ang Russia at China dahil niyakap na nila ang market economy at nagbukas sa foreign investment, etc., salat pa rin sila sa demokrasya.
Kung papasok ang Pilipinas sa BRICS currency union, maapektuhan ang halaga o palitan ng padala ng OFWs sa pamilya nila sa Pilipinas
Pero inaasahang mas lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas, at isang epekto ay lalakas ang value ng Philippine peso.
Paniwala naman ng columnist na si Lito Gagni ng Business Mirror, mapabababa ang power costs, agriculture inputs at aabante ang kalakalan kaya babagal ang takbo ng presyuhan sa merkado o inflation, lalo’t dulot ito ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at krudo.
Pakiwari ni Gagni, dadami ang turista dahil nga naman iisang bagong currency na ang gagamitin, convenient sa tourists na makakapasyal sa tatlong continents.
Agree ako sa pananaw ni Gagni na ang kinabukasan ng Pilipinas ay nasa pagsali nito sa BRICS.
Ang tanong, papasok ba ang Pilipinas sa binabalak na BRICS currency union?
Dapat na yan pag-usapan at desisyunan ng gobyerno kung gusto natin ma-boost ang ekonomiya na matagal nang narerendahan ng pagsunud-sunuran ng Pilipinas sa US interests at dictation ng World Bank at International Monetary Fund
Katunayan, nung 2014, binuo ng BRICS ang New Development Bank bilang alternative sa IMF-WB na sinimulan sa $50B seed money.
Kaya maraming bansa na ilang dekada nang binusabos ng IMF-WB structural adjustment programs at austerity measures kuno, ang naeengganyong makipayong sa BRICS umbrella.
Para makatulong sa mga bansang hirap sa mga bayarin sa utang, nilikha nila ang Contingent Reserve Arrangement bilang liquidity mechanism.
Sa ngayon may 19 bansa na ang nagpahayag ng interes na pumasok sa BRICS market block:
Formal nang nagsabi na gustong sumali ang Saudi Arabia, Iran, Algeria at Argentina.
Interesado ang United Arab Emirates, , Egypt, Bahrain, Indonesia, Turkey, Argentina, Afghanistan, Kazakhstan, Nicaragua, Senegal, Thailand, Uruguay, Bangladesh, Mexico at Nigeria.
Bago mag-summit sa August, pag-uusapan na ng foreign ministers ang expansion ng BRICS sa darating na June 2-3 sa Cape Town, South Africa.
Esep-esep Pilipinas.