NAMEMELIGRO ang kalusugan at pera ng taumbayan sa planong ilipat sa Office of the President (OP) ang pamamahala ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na hawak ng Department of Health.
Paliwanag ni Secretary Ted Herbosa, mas magiging efficient ang serbisyong pangkalusugan ng health insurer pag hawak ng Malacanang.
Justification niya, “It’s a management thing. If you want to make something more efficient.”
Talaga ba?
E bulagsak nga ang pamamahala ni Marcos Jr. sa sunod-sunod na food shortages bilang agriculture secretary.
Tinapalan lang niya ng importation left and right na parang band-aid solution ang problema imbes dumiretso sa mga magsasaka at palakasin at pondohan ang kanilang production ng bigas, asukal, sibuyas, fisheries etc.
Imbes pabagsakin ang mga cartel at tuloy-tuloy na timbugin at ipakulong ang commodity smugglers, hoarders at profiteers, e nag-utos lang na kasuhan ang kasabwat na government officials at nagsampol ng pag-aresto ng ilang kawatan masabi lang na may ginawa.
Second-the-motion nga si House Speaker Martin Romualdez na ang tatapang pa ng statements.
Ayun, magso-SONA na wala pang nakukulong na mastermind.
Ano resulta ng pamamahala ni Marcos bilang secretary ng Agriculture department at food crises?
Nag-record high 8.7 percent sa loob ng 14 years ang inflation ng Pilipinas.
Efficient management ba yan Herbosa at Marcos Jr.?
Tapos pinayagan ni Marcos Jr ibenta ang smuggled food tulad ng asukal sa ibinalik na Kadiwa centers.
Hindi nyo ba naiintindihan ang RA 4712? Bawal magbenta ng smuggled goods.
Hirit pa ni Herbosa, gustong tutukan ni Marcos Jr ang health care financing kaya mas madali ang pamamahala ng Philhealth pag hawak na ng Palasyo.
May 17 pa nagbuo ng Technical Working Group noong si USec Rosario Vergeire pa ang Officer-in-Charge ng DoH.
At nito ngang linggo July 16, sabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, wala naman legal issue. Syempre susunod ka lang sa plano.
Kung malisyoso lang ako, at pagdudugtungin ko ang tinakbo ng food shortages na yan, iisipin kong isang malaking shebang nina Marcos ang maanomalya, systematic at series na food shortages dahil noon pa inaral nina Marcos, Romualdez, agencies (Customs, DoJ, Congress, etc) at kasabwat na mga kriminal ang budol operations na yan para pagkaperahan.
Yun ngang P203 billion estate tax liabilities hindi binabayaran, sasabihin nyo, “management thing” ang Philhealth.
Magkano ba kasi ang pondong pinag-uusapan sa PhilHealth at kahit palpak naman ang management ni Marcos Jr sa agriculture office at sa food crises e, gusto nyang hawakan ang pera para kalusugan ng taumbayan?
Base sa 2023 General Appropriations Act (GAA), itinaas pa sa P1003.23 billion ang Philhealth budget kumpara sa P79.99 billion nung 2022.
Na-sacrifice at binawasan pa ang budget sa Heart, Lung at Kidney Centers, Children’s hospital, etcetera.
Management ba yan?
Hindi ba lalong mamemeligro nyan ang kalusugan ng mamamayan pag hinawakan ni Marcos ang PhilHealth?
Hindi nga inaamin na nagnakaw sila ng pera ng bayan at katunayan, hinarang pa ni Marcos Jr na maibalik ang $40M (P1.84B) sa gobyerno ng Pilipinas mula sa Arelma account na inopen ng tatay na diktador nung September 21, 1972.
So panu mo pagkakatiwalaan si Marcos Jr na mama-manage ang bilyon-bilyong pondo ng PhilHealth?
Baka iwaldas lang niya yan sa paglalakwatsa sa iba-ibang bansa na halos wala namang nahita na foreign direct investments?
Para saan pa ang DoH na dapat namamahala nyan dahil expertise nila ang kalusugan ng tao?
Sa unang taon ng nandayang administration na ito, inept o incompetent si Marcos bilang manager much less, bilang agriculture secretary.
Kaya nakakatakot pag hinawakan pa nya ang Philhealth na pwedeng ipambwenas sa pagpasok ng Bagong Lumang Pilipinas era kasama ang Maharlika Investment Fraud, I mean, Fund.
Mag-closure muna ang Marcoses sa mga kasinungalingan, pagnanakaw at human rights abuses nung Marcos Sr regime sa State-of-the Nation-Address (SoNA) niya sa Lunes, baka magbago pa ang pagtingin ko sa kanya.