SETBACK after setback, palubog nang palubog ang Marcoses sa pagkakasumpa sa impiyerno.
Matapos ang sunud-sunod na absence sa COMELEC Debates, nalalaglag nang nalalaglag si Marcos Jr duwagis.
Sunod-sunod na pamemeke ng mga balita at nabubuking na photoshopped kuha ng Marcos Jr-Sara Duterte rallies.
Kaya daan-daan ding Marcos Jr accounts sa Twitter at maging sa Facebook ang nasuspinde.
Pumila rin ang mga nabidyong bigayan at gulangan sa pera ng mga Marcos loyalist pati hakot buses.
Ayaw rin silang tantanan ng karumal-dumal at madugo nilang kasaysayan na parang evil shadow imbes guardian angel na nakabuntot sa kanila 24-7 sa lahat ng pagkakataon.
Hindi na nga nakabwelo sa isyung non-filing ni Marcos Jr ng income tax mula 1982-1986 na sinentensyahan na ng korte, binayo na naman siya ng problema sa estate tax liabilities na halos tatlong dekada nang hindi binabayaran.
Halatang nag-aamok na sila sa paghahanap ng spin para malusutan o malihis ang pinakahuling pasabog na P203.819 billion utang nilang estate taxes sa gobyerno.
Nagsimula sa banat ni Vic Rodriguez, abugado ni Marcos Jr. na hindi pa raw final ang desisyon.
Read: https://mb.com.ph/2022/03/04/marcos-camp-says-no-finality-from-court-yet-on-estate-tax-debt-charges/
Tapos sinundan ni Marcos Jr. na marami raw fake news sa issue ng estate taxes na yan.
Read: https://www.cnnphilippines.com/news/2022/3/17/Marcos-fake-news-on-unpaid-estate-taxes.html
Sumundot naman ang Imee Marcos na wala raw natatanggap na demand letter ang nanay nyang si dating First Lady Imelda Marcos.
Read: https://news.abs-cbn.com/amp/news/04/01/22/imee-marcos-questions-timing-of-estate-tax-issue
Hihirit ka pa na walang natatanggap na demand letter?
Wag ibahin ang usapan.
Kung matino kang senadora, kasabawat ang dating senador Marcos Jr, dating iron butterfly Imelda, noon pa dapat kayo pumunta sa BIR para magbayad at hindi naghintay ng demand letter.
Mga opisyal pa naman kayo ng gobyerno. Rubbish.
Satsat pa ng US convict sa Teleradyo, “Ang akin lang, ang dami-daming taon, bakit bigla ngayon lumabas? Parang talagang paninira naman yata ito ng bulok na politika.”
Umabot na ng 29 years mula noong 1993 final assessment ng BIR, hindi kayo nagbayad tapos magtatanong ka ng timing? Wag ibahin ang usapan. Hindi ba yan ang tunay na paninira – sa bayan – ang hindi pagbayad ng bilyon-bilyong buwis ng tatlong dekada?
Gifted ka talaga Imee Princeton sa pagpapanggap.
Then to the rescue ang ambush me star Juan Ponce Enrile na sabaw naman ang laman ng argumento at puro yabang ang dada.
Read: https://youtu.be/KK_ClWuB1EA
“Walang issue. Kasuhan mo si Bongbong? Eh tatawanan ka. Mag-presenta sana ako na maging abogado niya at dalhin nila lahat ng magagaling na mga abogado dyan,” mema ni Enrile.
Inulit lang ni martial law executioner Enrile ang lying line ni Marcos Jr:
“Kalokohan yan. Nasaan yung desisyon? Hindi pwedeng yung BIR mismo ang gagawa ng assessment ng valuation at ng asset. Eh siyempre kung BIR, iwanan mo sa BIR yun eh baka lalagpas sa 200 billion ‘yung basehan nila.”
Kung sabi mo wala ka pang natatalong kaso, bakit ang Supreme Court record na nagsasabing ang decision sa Marcos estate tax ay naging “final and executory” noong March 9, 1999, e hindi mo pa ma-research?
I-bluff mo ang stem cell face mo.
Read: https://newsinfo.inquirer.net/1579531/marcos-estate-dockedfor-taxes-lawyer-says/amp
Supalpal na, insulto pa inabot ni Enrile kay dating BIR Commissioner Kim Henares.
Kailangan ng ibang tao para ilipat ang mga minanang ari-arian at ayon sa lohika – taong buhay.
Ang tax quote ay noong 1977 panahon ng martial law na ipinasa ng mismong tatay na diktador na si Marcos.
In short, nagpapakagunggong lang yang si Enrile para makabudol at papansin.
Bigwas ni Henares, “kung gagamitin natin ang common sense hindi naman puwedeng yung patay ang magbayad. Patay na nga siya eh.”
Budol nyo feces este faces nyo Marcos Jr., Imee Marcos at Enrile.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]