KATATAPOS pa lang ng eleksyon pero mainit na agad ang mga ulo ng mga miyembro ng isang bagong sibol na political clan sa Central Luzon.
Kaagad nilang binuweltahan ang kanilang mga constituents na hindi sumuporta sa kanilang grupo noong nakaraang halalan.
Sinabi ng aking spotter na ayaw bigyan ng business permit ang ilang mga negosyo lalo’t kung kasama ang mga ito sa mahiwagang listahan na ibinigay ng kanilang mga tauhan sa office of the mayor.
Laman daw ng listahan na yun ang mga negosyante na hindi nagbigay suporta sa kanilang kandidatura.
Sinabi ng aking spotter na maling-mali ang hakbang na ito ng nasabing pamilya ng mga pulitiko.
Ilan kasi sa mga negosyanteng nasa hit list ay kaanak rin ng iba pang mga kandidato na tumakbo sa nagdaang halalan.
Natural na suportahan ang mga kapamilya kesa sa kakilala lamang, hindi ba?
Pero hindi ito maintidihan ng nasabing angkan na nagpapalitan lang naman ng pwesto sa kanilang nasasakupang lugar.
Sariwa pa kasi sa kanilang alaala na muntik na silang matalo noong 2019 elections kahit na ba gumamit sila ng “tried and tested” formula para manalo sa eleksyon.
Alam ng kanilang mga kababayan ang formula na yun kaya no need to elaborate ika nga.
Idinagdag pa ng aking spotter na mismong sa sarili nilang barangay ay natalo ang miyembro ng makapangyarihang angkan na ito na tumakbong alkalde sa lugar.
Kaya naman nang magpasya silang maghiganti ay mga kabaranggay pa nila ang inuna sa kanilang hit list.
No more clue dahil ilan lang naman ang makwarta at bagong sibol na political clan sa Central Luzon.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]