Pagbibigkis ng Medisina at Pranic Healing

OMICRON variant naman ang kinakaharap nating hamon ngayon.

Isang pambihirang pagkakataon ang inihahain sa sangkatauhan ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 virus, na tuloy-tuloy sa pag-mutate o pagbabagong-uri.

Eksperimento

Masusubok sa siyentipikong pamamaraan ng pagi-eksperimento ang bisa ng Pranic Healing sa pagpapagaling ng mga maysakit ng COVID-19.

Maaaring ipailalim, halimbawa, ang mga pasyenteng may COVID-19 virus sa modernong pamamaraan ng paggamot ng medisina. Isang grupo sila ng mga pasyenteng pumapailalim lamang sa ganitong modernong pamamaraang medikal ng paggamot.

Sa kabilang banda, ibang grupo naman ng mga pasyenteng may gayunding karamdaman ang maaaring ipailalim sa magkahalintulad na pamamaraan ng modernong paggamot ng mga doktor o manggagamot.

Ang tanging kaibhan, ipapailalim din sila sa Pranic Healing.

Pranic Healing ang bukod-tangi o siyang nakapangyayaring pagkakaiba ng pagpapagaling ng dalawang grupo ng mga pasyente.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsusuri, masisiyasat at maikukumpara sa medisina ang bisa ng Pranic Healing sa pagbaka sa patuloy na lumalaganap na coronavirus sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dr. Glenn Mendoza, M.D.

Ang ganitong siyentipikong pag-aaral ang dakilang simulain na marubdob na itinataguyod ni Dr. Glenn Mendoza, M.D., isang Master Pranic Healer na personal na hinasa at pinanday ni GrandMaster Choa Kok Sui sa larangan ng Pranic Healing at Arhatic Yoga.

Si GrandMaster Choa ang Modern Founder ng Pranic Healing at Arhatic Yoga.

Pandemya at Pranic Healing

Ayon kay Master Glenn, “Despite hardships from the global pandemic over the past two years, Pranic Healers worldwide have risen to the occasion and organized themselves under the leadership of Project Hope for Healing.

“Over 5,000 critically ill-patients with COVID -19 have been treated with Pranic Healing through this program.

“We continue healing those who are ailing and collect research data to better understand the impact of Pranic Healing on COVID-19. Establishing this structure on a wide scale can help us as we move forward into new projects in research and crisis management.”

Patuloy si Master Glenn sa walang-humpay na paghahawan ng landas upang ilatag ang mga siyentipikong batayan at resulta ng Pranic Healing sa iba’t ibang anyo ng sakit, lalo na ang karamdamang dulot ng COVID-19.

Pranic Healing at breast cancer

Sinasaliksik at dinodokumento ngayon ni Master Glenn ang aplikasyon ng Pranic Healing sa breast cancer.

Ayon sa kanya, “We started the first in-vivo study on MDA-MB231 Breast Cancer Cell Lines using Pranic Healing in November 2021. Susan Rotenberg, PhD., principal investigator of the study said: ‘The Pranic Healing work on human breast cells examines the effects of subtle energy on molecular indicators of cell biology.’”

Dagdag ni Master Glenn, “This is ground-breaking research to study, monitor and document in a scientific/ medical setting the power and benefits of Pranic Healing.”

Salamat, Master Glenn.

Nagbubukang-liwayway na ang pagbibigkis ng siyensiya ng enerhiya – sa pangunguna ng Pranic Healing ni GrandMaster Choa Kok Sui – at modernong medisina.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]