SUDDENLY, may mga survey na ulit sa mga balak kumandidato sa May 2022 national elections.
Tulad ng sinabi ko noon, kung SWS, Pulse Asia at Publicus ang titingnan ko, mahirap ko kuwestiyunin ang resulta nila dahil maraming beses na sumasang-ayon ako sa kanila.
Besides, hindi lang sila political surveys. Ang mga survey firms na ito ay mas malaki ang negosyo sa business and NGO surveys kaya kailangan laging tapat ang resulta ng surveys nila kung hindi ay mawawalan sila ng hanapbuhay.
Ngayon na naipaliwanag ko na kung bakit may tiwala ako sa mga ito, talakayin natin ang huling survey ng Pulse Asia.
Ang Pulse Asia ay naglabas na ng kanilang Presidential preference survey ilang araw bago ang October 1, ang simula ng filing of certificates of candidacy.
Dahil national positions lang naman ang may saysay ngayon – President, Vice President, Senator – ito lang ang makikita natin muna.
Of course, kung papansinin natin, nangunguna pa rin si Sara Duterte sa listahan ng mga Presidentiables, kasunod si Bongbong Marcos, Isko Moreno at Manny Pacquiao.
Sa Vice President naman ay umungos na si Senate President Tito Sotto kay Pangulong Rodrigo Duterte sa number one position. Ikatlo si Isko Moreno at ikaapat naman si Bongbong Marcos.
Tig-apat lang muna, dahil ang tatalakayin natin ay ang sinasabing pagbaba ng numero ng mga Duterte.
Ang kay Digong ay tamang sabihin na bumaba talaga ang numbers niya. Ito ay dahil naungusan na nga siya ni Tito Sen. Ibig sabihin ay may umalis na ilang gusto si Digong at napunta ito kay Tito Sen.
Iisa lang kasi ang standard sampling numbers ng mga survey firm at sa pagkakataong ito ay nasa 2,400 ang ginamit ng Pulse Asia.
Subalit ang spin ng ilang media outlets sa resulta ng survey sa presidentiables ay medyo alanganin.
Dahil sabi nila “kahit bumaba ang numero ni Sara, siya pa rin ang nangunguna sa survey.”
Ang susi po rito ay ang “bumaba ang numbers ni Sara.” Dahil kung bumaba ang numbers ni Sara, malaki rin ang ibinaba ng numbers nila Isko, BBM at Pacquiao.
Bakit? Dahil yung first place ay bumaba ang numbers. Stands to reason na mas mababa rin ang numbers ng mga second and third placers.
Ang dapat tingnan ng mga analyst na ito ay kung saan napunta yung numbers dati nila Sara, Isko, BBM at Pacman.
Dahil sa ibaba ng spectrum, yung mga single digit candidates, ay umangat above 5 percentage points.
Ang lesson po ng 2016 elections ay malinaw, huwag isnabin ang mga middle level candidates ng surveys dahil kung consistently umaangat ang numbers nila, baka kakatutok ng mga leaders sa kani-kanilang sarili ay masingitan na naman sila ng isang dark horse.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]