Doc Willie Ong ready kung papalitan ni Isko

HANDA si Doctor Willing Ong kung papalitan man siya ni Manila Mayor Isko Moreno bilang kanyang running mate sa darating na halalan.

Ayon pa kay Ong, payag siyang mag-slide down bilang kandidato sa pagkasenador kung may mapipiling ibang vice presidential running mate si Moreno.

“Given na sinabi niya kahapon na hindi na niya ‘ko papalitan, pero just in case magbago isip ni Mayor Isko, I told him yesterday, sabi ko, ‘Yorme, kung mayroon kang mapipiling iba, okay lang sa akin. Lagay mo ko sa Senate, papayag ako,” ani Ong.

Nakatakdang maghain ng certificate of candidacy si Moreno at Ong sa Oktubre 4.

“You have a free hand. Wala akong anything about myself,” dagdag ni Ong.

Inanunsyo ni Moreno noong Setyembre 22 na tatakbo ito sa pagkapangulo at si Ong ang kanyang running mate.

Bukas, Oktubre 1, ang simula ng filing ng certificate of candidacy na tatagal hanggang Oktubre 8.