P2.4M livelihood assistance sa mga liblib na komunidad

MAAGANG nakatanggap ng pamasko ang walong associations ng kabuuang P2. 4 million bilang sustainable livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Binisita ko ang Narvacan, Nagbukel at Sta. Maria sa Ilocos Sur kahapon at pinangunahan ang distribution ng livelihood assistance sa mga asosasyon na gagamitin nila bilang seed capital. 

Sa pag-aaral at coordination ng DSWD sa provincial and local government units kasama ang AFP at PNP, nabatid na kailangan tulungan ang mga nasa liblib na mga komunidad upang makaahon at matulungan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng kahirapan sa kanilang lugar. 

Ang mga nakatanggap ng tulong ay ang mga sumusunod: Burayok Babal-lasioan SLP Association, Ka-Tuday’s Piggery SLP Association, Itneg Ti Bandril SLP Association, Naalibtak Lapting SLP Association, Partak Taleb SLP Association, Rang-Ay Lanipao SLPA, Napabileg nga Barangobong SLPA, & Rang-Ay Sucoc SLPA. 

Kino-consider din na vulnerable ang mga miembro ng asosasyon sa epekto ng poverty at mga natural calamities. 

Gagamitin nila ang seed capital sa pagpapatayo ng babuyan, pagpapataba ng baboy at mga mini-grocery stores. 

Natutuwa sila kasama ang mga governor, mayors at barangay leaders na binibigyan ang kanilang liblib na lugar nga attention mula sa gobyerno. 

Naging posible ang pamimigay sa partnership, cooperation and collaboration ng DSWD national, regional offices with provincial and municipal social welfare abd development officers. 

Nawa’y lumago at umasenso ang mga seed capital na ipinamahagi sa mga asosasyon at makatulong sa pang-araw araw na pamumuhay sa pang mahabang panahon. 


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]