On Monday, Beijing released pictures of a meeting between China’s leader Xi Jinping and former Philippine President Rodrigo Duterte at the State Guest House.
Parang nakaupong lider ng bansa si Digong na may kapangyarihan pa.
Wala pang dating pangulo ng Pilipinas ang binigyan ng ganitong pagpapahalaga ng Tsina.
Ano ang ibig sabihin nto? Bakit hindi alam ng embahada ng Pilipinas na naganap ito? Ano ang mensahe na gusto ipaabot ng Tsina at ni Digong sa pagpupulong isang araw bago magkaroon ng desisyon ang ICC para ipagpatuloy ang pagsisiyat sa madugo at marahas na “war on drugs” na kumitil ng libu-libong maliit na tao sa Pilipinas?
Isa lamang ang pinatutunayan ng larawan – “tuta namin ito, pwede namin ibalik sa poder”.
Dapat bang mabahala si Junior?