OPS drive vs disinformation

MAGANDA para sa mga nagbabantay sa galaw ng gobyerno ang dalawang pangyayari o balita nitong Martes, September 6, at noong Biyernes, September 2.

Noong September 2, ibinalita na maglulunsad ng campaign versus disinformation o fake news ang Palasyo.

Itinuloy naman nitong Martes, September 6, ang Senate investigation sa sugar importation mess.

Ibig sabihin, may mga senador na concerned at sensitive sa dinaranas ng mga consumer. Yan ang unahin natin.

Inimbitahan ng Senado si Executive Secretary Vic Rodriguez para magpaliwanag sa inilabas na Sugar Order No. 4 (SO 4) ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-aangkat ang Pilipinas ng 300 metric tons (MTs) of sugar.

Si Agriculture Usec. Leocadio Sebastian imbes na si Marcos Jr. ang pumirma.

Bukod kay Sebastian, pumirma rin ang tatlong myembro ng Sugar Regulatory Board kasama si SRA Administrator Hermenegildo Serafica.

Naglabas sila ng kautusan dahil may sugar shortage daw kaya nagmamahal ang asukal. Alam naman natin na malakas ang lobbying ng gahamang sugar traders at profiteers na taasan ang presyo ng asukal.

Umalma ang sugar producers at workers: walang shortage sa asukal at pagpasok ng September ay aandar na ulit ang sugar mills kaya no need to import.

Sinisi nina United Coconut Producers Federation President Manuel Lamata ang kumakalat na shortage sa sugar traders, na nagma-manipulate at hoarding ng asukal

Sino ba ang paniniwalaan?

Syempre kapani-paniwala yung sugar millers at workers kesa traders dahil kabisado nila ang inventory at market demand.

Ibig ding sabihin, may disinformation na ikinakalat ang sugar traders para mag-create ng shortage scenario, mapwersang itaas ang sugar prices at mag-import para may kumita at sumaya ang mga bulsa.

E kaso itinanggi ni Marcos Jr. ang inilabas na SO 4 at hindi niya in-authorize si Sebastian na pumirma para sa kanya. In short laglag ang apat na signatories. Fake at illegal ang SO 4.

Pero lumalabas na binawi rin ito ni Marcos Jr. nang sabihin niyang aangkat pa rin ng150 metric tons para matiyak ang supply ng asukal sa mga susunod na buwan.

In short, tuloy ang sugar importation pero kalahati lang ng 300Mts.

Ang basa ko rito, para hindi mapuruhan ng bigwas ng mga tao, kritiko at oposisyon, sinalo ni Marcos Jr. ang campaign spokesman at ngayon ay Executive Secretary na si Rodriguez.

Malaki ang itinaya at sakripisyo ni Rodriguez sa presidential journey ni Marcos Jr para bitiwan na lang niya ang mama sa ere.

Ibig sabihin, nabalewala ang pagtanggi ni Marcos Jr na alam niya ang paglabas ng SO 4. Pinaglalaruan nga tayong mga consumer.

Bakit sinalo niya si Rodriguez at anong koneksyon ni ES sa gulo?

Si Sebastian ay dating chief of staff ni dating Agriculture Sec. William Dar.

Nitong July, binigyan siya ni Rodriguez ng power para pamunuan ang procurement at operations unit ng agriculture department.

Ito ang power na ginamit ni Sebastian para mag-isyu ng Sugar Order No. 4 na mag-angkat ng 300 mts ng asukal.

Ang mga sumunod na balita:

May mga ni-raid at natimbog na sugar hoarding sa Bulacan at Pampanga at iba pang lugar sa initiative ni Rodriguez.

Mukhang damage control ang dating sa akin.

Fast forward:

Nagpatawag ulit ng hearing ang senado para linawin ang isyu.

Nag-abiso si Rodriguez na hindi raw siya pinayagan ni Marcos Jr. na umattend sa mga hearing.

Nag-motion si Sen. Risa Hontiveros na maglabas ng subpoena ang senado para mapilitang dumalo sa Rodriguez.

Majority ang sumang-ayon na i-subpoena si ES.

Tingin ko riyan, bago maging apoy ang usok at masunog ang buong Palasyo, tumiklop si Rodriguez at agad na sumugod sa Senado para dumalo sa hearing.

Hindi ma-afford ng Malacańan na palakihin ang isyu sa gitna ng namumuong pagkadismaya ng Marcos supporters kay junior ngayong higit dalawang buwan pa lang siya sa pwesto. Nagtrending kasi ang LetSaraLead na parang paramdam na ba.

Nagmukha tuloy loser si Rodriguez.

Sa hearing, sinabi nina Serafica at Sebastian na nabanggit ni Marcos Jr na mag-aangkat ng 600 mts ng asukal sa isa nilang meeting.

Pinasinungalingan ito ni Rodriguez. Maski si Senate President Migs Zubiri ipinagtanggol ang kanyang padron at sinabing hindi masasabi ni Marcos yun. Ang isa sa nag-iimbestiga, inabswelto na agad ang Marcos Jr.

Ayan na naman tayo: dalawang partido magkaiba ang sinasabi. Merong nagdi-disinformation at cover-up.

Ang mga nagbitiw bang sugar officials ay makikinabang pa kapag nagsinungaling sila kung wala na sila sa graces ng operator? Nagtatanong lang ah.

Habang nag-iimbestiga ang Senado, nagpipyesta naman ang mga kasabwat na sugar hoarders at profiteers ng mga opisyal ng gobyerno dahil wagi sila: ang taas-taas ng presyo ng asukal ngayon.

Dahil sa ikinalat na disinformation ng hoarders/profiteers at mga kasabwat sa gobyerno na merong sugar shortage- tumaas ang bentahan ng asukal.

Pag sinabing disinformation – sadyang ikinakalat ang maling impormasyon. Misinformation kapag hindi alam ng tao na mali ang impormasyon na ikinakalat nila.

(Hindi kasi nag-google:)

Sa desisyon ni Marcos Jr na umangkat pa rin kahit 150mts ng sugar, nagmukhang naniwala at kinampihan pa niya ang sugar hoarders at profiteers.

O kaya ay nasulsulan siya dahil hindi niya naintindihan ang lalim ng issue or makikinabang din siya? Nagtatanong lang ha, wag judgmental. LOL!

Pinayaman pa niya ang mga sugar traders na nagsasamantala sa consumers.

Kaya ang take ko riyan: anuman ang maging resulta ng imbestigasyon, ang dapat na epekto nito bukod sa makasuhan at matanggal sa pwesto ang lahat ng mga nagsasabwatan, dapat bumalik sa dating presyo ang bentahan ng asukal dahil yan ang inaasahan ng mga tao.

Yan naman ay para sinsero at malinis na matuldukan ng pamahalaan ang sugar importation mess na ito. Ehem kung magagawa.

Kaya maganda ang balita noong September 2 at 3 na magkakasa ng kampanya laban sa disinformation at misinformation o fake news ang Office of the Press Secretary.

Kaisa at suporta tayo riyan dahil mapanghati at nag-aaway-away ang mga Pilipino dahil sa fake news, misinformation at disinformation.

Lumalala pa nga ang division kapag ang source ng dis/misinformation at fake news ay Presidente tulad nina Duterte at Marcos Jr. at mga opisyal ng gobyerno.

Tapos pinapalala ito ng troll armies na alaga ng mga pulitiko, sindikato at iba pang vested interest groups para ikalat ang dis/misinformation o fake news.

Una, totoo ba itong drive vs disinformation, meaning, mula sa puso?

Nagmumula sa genuine sincerity ng Palasyo na maging totoo? O ideya lang ng OPS?

Hindi ba ito facade o pakitang tao lang para magmukhang nagsasabi ng totoo ang Malacańan Palace tuwing may press briefing or inilalabas na press release kaya dapat paniwalaan?

Hindi ba ito gagawing cover, o pagtatakpan ang mga mali, ng Palasyo?

Wala ba itong layunin na kontrahin o kanselahin ang fact checking na ginagawa na ng media at independent institition para magmukhang tama at totoo ang pronouncements ng Palasyo kahit mali?

Ano ang magiging proseso sa pagsabi na ang isang datos, imlormasyon, pahayag o balita ay mali at dis/misinformation?

Ano ang sasaklawan nito? Malacañan lang ba? Buong executive branch? Buong bureaucracy?

Sino ang bubuo nito, sino-sino ang magpa-fact check na ang isang impormasyon ay mali, fake news o kaya naman ay kulang o walang context?

Kampanya lang ba ito o maglalabas ng kautusan para mandato na dapat isagawa?

Kung magiging kautusan ito, may ngipin ba ito na magdidisiplina o magpaparusa sa source ng dis/misinformatiom lalo na sa hanay ng gobyerno?

Kaya ako nagtatanong ay para magkaron ng kredibilidad ang campaign against disinformation.

Kung gusto ng OPS na ipabatid sa madlang Publiko na they mean business at may kredibilidad ang kampanya nila, dapat:

* magsimula ang campaign vs disinformation o fake news sa mismong OPS at sa Marcoses para maging inspirasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno. Inspirasyon talaga yarn?

* aminin ng OPS na hasty ang decision sa pag-disapprove ng application for accreditation ng veteran Malacańan reporter ng Hataw na si Rose Novenario.

*. lilinawin ng OPS ang proseso nito ng accreditation at mga dahilan bakit may conditional accreditation?

* isasapuso ng gobyerno ang transparency sa pamamahala at babarahin ang anumang tangka na magkalat ng disinformation.

Ibig bang sabihin, aaminin ng Marcoses ang mga pagnanakaw at human rights violations, salvagings o extrajudicial killings nung dictatorial rule ni Marcos Sr.

Pag transparent ang gobyerno at hindi ito magiging promotor sa pagkakalat ng dis/misinformation, makikita ng taumbayan na sinsero sa pagwawasto at hindi sa pagbabago ng kasaysayan ang Marcoses.

Makikita rin ng mga Ka-Publiko kung paano magtrabaho ang public servants ng may dedikasyon at tapat sa sinumpaang tungkulin.

Kung ganun:

  • Ititigil ba ang operation ng troll armies ng mga pulitiko na makinarya sa pagpapakalat ng disinformation para naman magamit ang pondo ng gobyerno sa pangangailangan ng taumbayan?
  • Ititigil na ba ang practice na paglalaan ng confidential funds ng Office of the President, ni VP Sara D, etc., na pinagmumulan ng pagdududa at disinformation?
  • Tatapusin na ang ugaling pikon tulad ng pagre-red-tag sa media na kritikal at nagbabalita ng katotohanan at civil society at iba-ibang grupo at indibiduwal na naglalabas ng kanilang hinanaing sa gobyerno?

Ilan lang yan sa inaasahang resulta at gagawin ng gobyerno pag sineryoso ng OPS ang campaign vs disinformation.

Kikiilos din ang gobyerno nang nagkakaisa para sa kapakanan ng mas maraming mahihirap.

Pag ang sagot ay oo, aba e pambansang kapistahan yan.

Pero sa bigat ng implikasyon ng campaign vs disinformation na yan sa status quo, hindi ako umaasa.

Pag ang mga sagot ay hindi, it means, pa-cute, pa-pogi o paganda lang ng image ang campaign vs dis/misinformation ng OPS.

Importante rito, maintindihan ng OPS ang wide-ranging implications o kongkretong kahulugan ng kanilang campaign vs disinformation para paniwalaan at irespeto sila ng madlang pipol.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]